CHAPTER 22

4.6K 193 20
                                    

VIVIENNE'S POV

"Iliko mo lang dʼyan sa kanto at sa puro bulaklak doon mo ihinto," anas ko kay Esther.

Agad niyang sinunod ang aking sinabi. Nang mapatigil na siya sa harap nang bahay namin agad akong bumaba at pumasok sa kahoy na nagsisilbi naming gate.

"Lolo!" anas ko at kumatok.

Sinubukan kong buksan ang pintuan pero nakakandado na iyon. Nakalimutan ko rin dalhin ang aking susi kaya napamewang ako at suminghap ng hangin dahil sa kaba at inis.

"Vien, let's go to the hospital. Malay mo naroon ang lolo mo."

Bakit hindi ko nga ba naisip na dinala si lolo sa hospital? Ang bobo mo Vien.

"Wait," sabi ni Esther at sinagot ang tawag. "Yeah. We're here. He's not there? Then where? Damn. I'll call you later, Yuhence. She's with me. Bahay ng lolo ni Vien. Emergency. Yeah. Bye."

Mas lalo akong kinabahan sa sinagot ni Esther. I-Ibig sabihin wala roon si Kuya Vanz sa bundok? Kung ganon saan naman siya nagpunta? Sperm.

Siguraduhin mo lang na may sapat kang dahilan sa akin kuya dahil masasapak kita pag hindi ako nakuntento sa paliwanag mo.

"Wala raw doon si Vanz sa Mt. Kiltepan. I don't know where he is. But let's still find him i know na narito lang siya sa tabi-tabi. But now let's go to your lolo," seryosong sabi ni Esther kaya bahagya lang akong tumango.

Tinahak na ulit namin ang daan patungo sa hospital. Hindi ko na pala kailangan ituro sa kanya dahil alam naman pala niya kung saan ang daan patungo sa hospital.

Nang makarating kami ay mabilis pa sa the flash ang ginawa kong pagbukas ng pintuan ng kotse at takbo sa loob ng hospital.

"Ah nurse may pasyente ba kayo na nagngangalan na Solemon Montevilla?" agad kong tanong sa Nurses Station.

"Just give me a sec, Maʼam."

"Sige," tango ko at namatahan ko na si Esther sa gilid ng mata ko na tumabi sa akin.

"Wala po kaming pasyente na Solemon Montevilla pero meron kaming pasyente na Solemon Ty. Kaano-ano ka po ni Mr. Ty?"

Agad kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng Nurse. Napatingin ako kay Esther na nagtatakang tingin.

"Where is he?" tanong ni Esther.

Solemon Ty? Apilyedo ʼyan ng kapatid ko. Baka ibang Solemon ang nandito?

"Relatives po ba nila kayo, Sir?"

"She's the granddaughter of Mr. Ty," sagot ni Esther.

Tinignan ako nang nakakatakang tingin na parang hindi mapaniwala sa kanyang narinig. Baka ibang Solemon ang nasa kwarto.

"B423A, Sir. Nasa private room po siya. 4th floor at kaliwa."

"Thank you."

Hinila ni Esther ang kamay ko at tumungo sa elevator. Binitawan niya lang iyon nang makapasok kami sa loob.

"Baka hindi si Lolo Solemon ang nasa loob ng kwarto," pag-aalinlangan na sabi ko kay Esther.

"Wala naman mawawala kung hindi natin susubukan ʼdi ba?" anas pa niya at kumatok na sa pinto.

Tatlong katok ang ginawad ni Esther nang pagbuksan na kami ng pinto. Ang bumungad sa amin ay ang mukha ni Sean.

"Vien!" galak niyang sabi. Binuksan niya ang pinto pero agad niya rin sinarado at mabilis akong niyakap.

"Sean," natatawang anas ko.

"Damn girl. I missed you so much. Kahit ilang weeks ka palang nawawala miss na miss na kita," sabi niya at mahigpit pa akong niyakap.

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon