CHAPTER 37

3.4K 172 19
                                    

A/N: Alam nyo ba? Cute na baog ako. Now you know. Hahaha. Di joke. Thank you sa 10.8K reads and 749 votes. Sana dumami pa. Saranghae.♡

VIVIENNE'S POV

"Lolo," nakangiting anas ko at nilapitan siya.

"Masaya ka na ba apo ko?" nakangiti niyang tanong.

"Sobrang saya ko po!" sabi ko sabay yakap sa kanya. "Salamat."

"Hahaha. Wala akong ginawa apo kaya wag kang magpasalamat. Ako'y nagtaka kung bakit nandito ang anak kong si Rastus kasama ang kanyang mag-ina. Nagulat ako sa aking narinig mula sa kanya na alam niya na ang katotohanan. Kaya heto. Sinupresa ka namin at idinamay ang mga kaibigan mo," natatawa niyang sabi.

Tumingin ako sa paligid at nagsipag-kawayan ang mga kaibigan ko sa akin. Dalawa lang kaming babae ni Nayih at ang mga lalaki naman ay nasa labing-pito.

Salamat sa inyo.

Nahagip ng mata ko si Yuhence na seryoso lang nakatingin sa akin. Ang kanyang mata ay napakalungkot. Ngumiti ako sa kanya nang pilit pero umiwas lang siya nang tingin sa akin.

May alam ka pala sa bagay na ito. Salamat sayo.

"Picture kayo!" galak na sigaw ni Nayih. "Dyan sa may nakasulat na welcome to the Ty family. Dyan kayo tumayo! Family picture."

Dahil sa sinabi ni Nayih ay hinila na ako ni kuya Vanz para makuhaan ng litrato.

"On the count of three. One and three."

Anak ng?!

"Smile!" sabay-sabay nilang sabi kaya mabilis akong ngumiti.

"Wacky naman!" sigaw ni Apollo.

Marami pang litrato ang kanilang kinuha bago nila napagpasyahan na kami naman magkakaibigan. Nagitla ako nang tumabi sa akin si Esther at Yuhence. Umarko ako nang hakbang at hinarap silang dalawa. Pareho nila akong tinignan at nagkatinginan sila.

Sana hindi sila magkasiraan.

"One, two, three... one, two, three, drink. I'm... gonna swing from the love triangle! From the love triangle!" pagkanta ni Kaizen para tignan ko siya nang masama at nag-peace sign siya.

"Alam mo boy, don't let two men fall in love with you. It's not the sort of thing that ends well." sabi ni Maxwell kay Ivan.

Tinignan ko ang pamilya kong nag-uusap at parang walang pakialam sa naririnig. Si kuya Vanz naman ay deretsong nakatingin sa akin. Batid kong alam niya.

"Hindi ko naman kasalanan kung pareho silang nahulog sa akin," dahil sa sinabi ni Ivan ay napaharap ako sa kanila.

Kaming tatlo ang pinaparinggan nila. Pakshet.

"You can't beat a love triangle," sagot ni Lucifer.

"Paano matatawag na love triangle kung isa lang ang mahal ng babae?" pangingisali ni Nayih sa usapan.

"Love triangle na din yon. Dalawang tao nagkakagusto sa isang babae. Hahaha. Sana all likerist," natatawang sabi ni Kaizen.

Napapikit ako sa hiya at inis. "Magp-picture ba tayo o magtatalo na lang kayo dyan?"

Nilingon nila ako.

"Pumili sa sinasabi nang iyong puso."

"Wag mong hayaan na may masaktan ka."

"Kung ako sayo pahintuin mo na yung isa."

"Paano hinto?"

"Tanginamo Kaizen di ka nakakatulong," batok ni Hanz kay Kaizen.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now