CHAPTER 54

2.4K 112 34
                                    

VANZ'S POV

"Son!"

Napatingin ako sa kanan ko dahil sa boses ni mommy. Kasama nila si Lolo Solemon. Napatayo ako at nilapitan sila upang sabihin na inooperahan na si Vien.

"Asan na ang kapatid mo?" luhaang tanong ni mommy.

"Apo, what happened to your sister? Hindi ko tinuloy ang meeting sa invenstor para bukas dahil sa balita na ibinigay mo."

"Anak," tawag ni daddy at naluha ako.

"Hindi ko na-protektahan ang kapatid ko. Ang sama-sama kong kapatid," ani ko at inalo ako ni mommy.

"Is not your fault, son. Kailangan makulong ang tao na gumawa sa kapatid mo dahil siya ang may kasalanan dito," sabi ni mommy.

"Good evening tito, tita," rinig kong sabi ni Apollo.

"Good evening din Apollo," kaswal na sagot ni daddy.

Hanggang ngayon kasama ko pa din sila Apollo, Yuhence, at Kaizen. Si Maxwell at Nayih ay bukas na lang daw sila babalik dito upang malaman kung ayos na ang kapatid ko.

"Hi Lolo!" giliw na sabi ni Kaizen at tinanguan lang siya ni Lolo Solemon.

"Yuhence," tawag ni daddy at lumapit si Yuhence.

"Yes tito?" tanong niya.

"What happened to my daughter?"

Tinignan ako ni Yuhence na parang pinaparating na ako dapat ang sumagot. Pero siya na din ang nag-salita upang maisagot ni Yuhence ang tanong ni daddy.

"Naabutan na lang namin siya na wala nang malay. P-Pero wala siyang suot na short. Tanging damit lang ni Esther ang nakasaplot sa katawan ni Vien," ani ni Yuhence at napayakap si mommy kay daddy.

"No, hon. Hindi siya ginahasa diba?" luhaang tanong ni mommy.

"Sesanghe!" pasinghal na sabi ni Lolo. "Kailangan natin ipa-check ang sa doctor kung ginalaw ba nila ang apo ko."

Iyon din ang na sa isip ko. Para malaman ko kung totoo bang ginahasa nila ang kapatid ko. Dahil ka pag nangyari ang bagay na iyon, hihilingin nila sa akin na buhayin ko sila sa oras na malman ko kung sino talaga sila.

"Kailangan nga natin gawin yan. Pero kapag nagising na ang anak ko, dad," sagot ni daddy.

"Vanz, una muna kami ni Kaizen," pamamaalam ni Apollo sa akin. "Babalik na lang kami bukas."

Tinignan ko sila at binigyan nang pilit na ngiti. "Salamat sa inyo."

"Anytime Vanz para kay veng," ngiti ni Kaizen sabay tingin kay Yuhence. "Ikaw Yuhence hindi ka pa uuwi?"

"Hihintayin kong matapos ang operasyon ni Vien," seryosong sagot ni Yuhence.

Seryoso talaga siyang may gusto kay Vien. Hindi ko naman din masisisi si ang kapatid ko kung ang mahal niya ay si Esther. Nakaramdam ako ng awa para kay Yuhence, sana dumating ang panahon na may magmamahal sa kanyang babae na papasayahin siya nang sobra.

"Ikaw bahala. Tito, tita at Lolo Solemon babalik na lang po kami bukas," sabi ni Apollo.

"Take care, hijo," ani ni daddy.

Tinignan ko ang dalawang rebulto na papalayo sa amin. Napatingin na lang ako ulit kay Lolo Solemon dahil sa tanong niya.

"Apo, kanina pa ba ginawa ang operasyon?" tanong sa akin ni Lolo Solemon.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now