CHAPTER 01

8.3K 312 61
                                    

VIVIENNE'S POV

Sa kalagitnaan ng biyahe panay ang lingon sa akin ni sperm na baog at kanina ko pa siya gustong tanungin dahil hindi ako sanay. Punyemas ka!

"Bakit ba tingin ka nang tingin?" tanong ko pa.

"Sorry. Kahawig mo kasi 'yung kaibigan ko," sabi niya at hindi na muli akong kinausap.

Nakaramdam ako ng gutom kaya kinuha ko ang baon kong puto at suman. May dala rin naman akong mineral water kaya may pantulak ako.

"Malaki ba ang Maynila?" tanong ko pa.

"Yeah. Maraming kawatan doon," sagot niya.

"Ligtas ba doon?"

"Para sa isang probinsyanang katulad mo ay hindi. Why?" ani niya.

Kaya ko naman silang labanan. Wag lang silang mag-balak na tarantaduhin ako dahil hindi ako basta-bastang probinsyana lang.

"Gushto mu?" ani ko habang nanguya ng suman.

"What is that thing?"

Kailan pa naging bagay ang pagkain? Mayayaman nga naman. "Masarap yan," sabi ko pa.

"Baka may lason yan," sabi pa niya kaya nagulat ako.

"Hindi ako nanlalason. Nambubugbog lang ako," nakangising sabi ko.

Kinuha niya ang suman at kinain iyon. Bahagya siyang tumango tango.

"Masarap?" tanong ko.

"Hindi masarap,"

K-Kingina?! Sperm ka talaga.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang paningin ko sa bintana.

Hindi ko pa rin maialis sa isip ko si Lolo Solemon. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagsisibak ng kahoy? Nagpapakain ng baboy at manok? Na-miss ko na si black choco. 'Yung baka namin. Ako kasi ang nalusong sa pananiman at pinapatag ang putikan.

"Anong rason mo? Bakit ka pupunta sa Maynila?" rinig kong tanong niya.

"Mag-aaral."

"Anong grade ka na ba?"

"College na ako," sagot ko.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Puro pa rin mga damo at puno ang nakikita ko. Minsan may mga prutas na nakabalandra sa gilid ng kalsada.

"Tingin mo ba maganda ito?"

Ang daldal naman netong lalakeng ito. Tinignan ko ang tinatanong niya at isa iyong bracelet. Kumikinan sa ganda ang mga diyamante na nakadikit doon. Parang s'ya... kumikinangina n'ya.

"Yeah," simple kong sagot at ngumiti siya.

Pfft. Ang pangit ng ngiti.

Ang dami kong iniimagine kung anong pakiramdam ang mamuhay sa Maynila? Katulad ba ng probinsya namin? Ano kaya ugali ng mga tao sa Maynila? Kasing bait ba katulad sa probinsya namin? Ang dami kong tanong.

Baka mas maganda pa din ang probinsya kaysa Maynila? Dahil doon sariwa ang hangin at may ilog na may paliguan. Meron rin talon na kumikinang ang kaasulan ng tubig. Matagal kong hindi mararanasan ang maligo at mangahoy sa kagubatan. Hindi ko na rin mararanasan ang sumamang mangisda kay Sean.

Ayoko sanang umalis pero kailangan kong makatapos dahil sa kagustuhan ni Lolo Solemon. Kailangan kong makamit ang pangarap ko para pag-dating ko ay may maipagmamalaki ako sa kanya. Hindi na ako makapag-hintay na hindi iyon mang-yari.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now