CHAPTER 49

2.5K 140 27
                                    


VIVIENNE'S POV

"Vien," tawag agad sa akin ni Esther nang makapasok ako sa loob ng bahay.

Tinignan ko siyang makalapit sa akin na may pag-aalala ang mukha. Batid kong kanina pa niya ako hinahanap kaya ganito na lang ang reaksyon sa kanyang mukha.

"B-Bakit?" nauutal na ani ko.

"Where have you been? Binalikan ka namin sa campus pero wala kaming naabutan na Vien doon," sagot niya.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na dinukot ako nang mga nambanta sa amin.

"S-Sa MOA," pagsisinungaling ko.

"My princess," tawag sa akin ni kuya Vanz para mapatingin ako sa likod ni Esther. Kasama niya si Apollo.

"Lil'sis saan ka nang galing?" tanong din sa akin ni Apollo.

Bakit ba nandito silang dalawa?

"She said she went to MOA," walang emosyon niyang tugon.

Kakaiba ang emosyon sa kanyang mukha. Nagsimula nang kumaba ang dibdib ko dahil sa seryosong tingin niya sa akin.

"Is that so, Vien? Ano naman ang ginawa mo doon at inabot ka nang ganitong oras?" tanong pa sa akin ni Apollo.

Napalunok ako at tinignan ang wrist watch ko. 9 pm na ng gabi. Bistado ka na Vien. Pero wag mo muna ito sabihin sa kanila.

"My princess," makahulugan na tawag sa akin ni kuya Vanz.

"Sa MOA nga lang ako galing kuya Vanz. At wala nang iba."

"Tapos inabot ka nang ganitong oras? Really, Vien?" hindi makapaniwalang ani ni Esther.

Kailangan ko munang makawala sa kanila. Kailangan ko mapuntahan si Lolo Solemon sa kanyang kwarto.

"Gusto kong puntahan si Lolo Solemon. Maiwan ko muna kayo," pagdadahilan ko para makatakas sa mga tanong nila.

"Okay," sagot ni Esther. "Let's go, Apollo. Kailangan na namin umalis Vanz since nakauwi naman din si Vien." Seryoso niyang sabi at tinignan ako.

"Okay thank you sa inyong dalawa."

"Anytime. Let's go," sagot pa ni Esther at nilagpasan na ako.

"Sa susunod magsasabi ka sa amin kung saan ka magpupunta," paalala pa sa akin ni Apollo at tumango lang ako. "Magkita na lang tayo bukas. Uuwi na kami." Tinapik muna ni Apollo ang aking balikat bago ito lumabas sa pintuan.

Tinignan ko si kuya Vanz na kasalukuyan na seryoso din ang tingin sa akin. Bumuga muna siya ng hangin bago ito magsalita.

"I don't want to lose you again, Vien. Please. Please tell me first kung saan ka magtutungo. Dahil para akong pinapatay sa pag-aalala sayo," emosyonal na sabi ni kuya Vanz at lumapit sya sa akin. "Kung alam mo lang na grabe na ang panic ko pero pinapakalma lang ako ng dalawa. I-I can't lose you, my princess."

Napayuko ako. "Pasensya na kuya Vanz kung pinag-alala kita. Hindi na mauulit."

"It's okay, my princess."

Napatingin ako kay kuya Vanz at pilit ngiti ang pinakita ko bago ko siya yakapin. "Sorry."

Ramdam kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko bago magsalita. "It's okay. You don't have to say sorry. Go. You need to rest. Si mommy and daddy tulog na and also Lolo Solemon."

Bukas ko na lang siguro kakausapin si Lolo Solemon. Kaunting paalala pa ang sinabi sa akin ni kuya Vanz bago niya ako pakawalan. Iniisip ko pa din ang nangyari sa akin kanina sa mga dumukot sa akin. Kailangan kong ma-protektahan ang lolo ko laban sa gustong manakit sa kanya.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now