CHAPTER 50

2.8K 132 13
                                    

VIVIENNE'S POV

"O the the M to the G? What's that smile?" turo ni Nayih sa mukha ko.

Taka ko siyang tinignan. "N-Nakangiti ba ako?"

"My nerves. Of course! Baby, sasabihin ko ba kung hindi ka nakangiti?"

"Hindi."

"Ay ginawa mo pa akong duling. Nakangiti ka nga."

"Sigurado ka?"

"Mukha ba akong duling?"

"Banlag lang," sagot ko sabay tawa.

Hinampas niya ako nang mahina sa aking braso. "I'm not banlag. Duh!"

"Duh," maarteng panggagaya ko.

"Bakit ka nga kasi nakangiti?"

Hindi ko naman alam na kanina pa ako nakangiti. Nang matapos ang oras ng klase ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Siguro dahil kami na ni Esther kaya ako masaya. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya kung official na kayo ng taong mahal mo?

Hindi pa ito alam ni Kuya Vanz, pero may balak naman akong sabihin ito sa kanya. Hindi ko naman patatagalin dahil may balak naman din akong sabihin ito sa kanila. Si Kaizen alam kong may alam na siya sa mangyayari kaya hindi ko na aalamin kung magugulat siya.

Si Lyndel? Ewan ko lang. Baka lalo siyang magalit kapag nalaman niya ang bagay na ito. Hindi naman ako nababahala na magagalit siya sa malalaman niya. Dahil simula pa lang wala na siyang karapatan para magalit pa sa akin.

"Kami na ni Esther," sagot ko para mapatakip siya ng bibig niya.

"F-For real?!"

"O-Oo."

Bakit ba ako kinakabahan? Si Nayih lang naman ang kausap ko pero nauutal pa din ako.

"O to the M to the G!" tili niya para mapahawak ako sa tenga ko.

"King inang boses yan!" angil ko.

"Congratulation! Oh my God. As in O to the M to the G! Kanina sinasabi ko lang na sagutin mo na si Esther pero ngayon! Kyaaah!" hampas niya sa braso ko. "Nangyari na ang pinakahihintay ko!"

"Did you heard it right, Lyndel?"

Napatingin ako sa likod ko dahil sa boses na nanggaling mula roon. At namatahan ko ang grupo ni Lyndel na nakatingin sa aming dalawa ni Nayih.

"Oh geez. War?" bulong ni Nayih sa akin.

Tinignan ko si Lyndel na ang sama ng tingin sa akin. Napalunok ako. Tinignan ko si Nayih at sinenyasan na kailangan namin lumakad na para iwasan si Lyndel. Bumuka ang bibig ni Nayih at sinabi ang salitang okay na walang boses. Akma na akong tatalikod ngunit agad nang nahawakan ni Lyndel ang buhok ko.

"Lyndel!" sigaw ni Nayih. "Ano ba?! Let me go! Lyndel, bitawan mo si Vien!"

Pero parang walang naririnig si Lyndel. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at nginudngod sa sahig. Pero agad kong sinangga ang kamay ko mula roon upang hindi madiinan ni Lyndel ang pagkakangudngod sa akin.

"Malandi ka! Malandi ka! He's mine! Esther is mine! How dare you?! How dare you?! Bakit mo inagaw si Esther sa akin!" sigaw niya sa galit.

Sa pagkakantanda ko wala akong natatandaan na nilandi ko si Esther! Kusa niya lang ako nagustuhan at kusa ko lang din siyang nagustuhan. Tanga-tanga ka kasi. Mahal na mahal ka ng tao pero niloko mo! sinayang mo!

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now