CHAPTER 23

4.9K 205 61
                                    

VIVIENNE'S POV

"Vien! Vien!" rinig kong sigaw ni Esther.

Pero ako dere-deretso lang ang lakad habang pinupunasan ang aking luha. Ang sakit. Ang sakit malaman ang katotohanan sa mismong lolo ko. Tinago niya ang katotohanan sa akin na dapat ay matagal niya nang sinabi sa akin.

"Vien!" agad hinawakan ni Esther ang kamay ko nang makalabas ako nang tuluyan sa hospital.

Tumingala ako sa kanya habang luhaan ang aking mata. Ang taong laging nasa tabi ko sa tuwing ganito ang sitwasyon at nararamdaman ko. Lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing nasasaktan ako. Lagi siyang sumasali sa usapan kapag alam na niyang nasasaktan na ako.

"Stop crying," anas niya at pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Ang sakit, Esther. Ang sakit-sakit. Nagpakatotoo ako sa mata nila pero sila pala ang ang di-totoo sa akin. B-Bakit lagi na lang ako nasasaktan? Ilang katotohanan pa ba ang dapat kong malaman para masaktan ako nang sobra? E-Esther ayoko nang masaktan. Sperm na pain. A-Ayoko n-na," pagtapos kong sabihin ang mga kataga ay agad akong niyakap ni Esther.

Bakit siya lang ang nagpapakalma sa akin? Isa siyang sperm na baog pero napapakalma niya ako. At lumalakas din ang tibok nang puso ko.

"Hindi kita sasaktan," anas niya at hinawakan ang ulo. "I won't hurt you the way they hurt you. Magpapakatotoo ako sa harap mo. D-Dahil hindi na ako dadagdag sa nararamdaman mo para saktan ka. Hindi ko talaga kaya na makikita ang mata mong umiiyak."

Esther, bakit ka ba ganito sa akin lagi? Pati puso ko nalilito ng dahil sayo. Sana mali lang ako.

Napabugtong hininga ako dahil sa naisip ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito lagi ang puso ko. Bakit lumalakas ang tibok pag sa tuwing kaharap ko si Esther.

G-Gusto ko ba siya?

"Please stop crying. I hate seeing you crying," dagdag pa niya.

"Salamat," sabi ko at kumawala siya nang pagkakayakap.

"Smile," sabi niya at nilagay ang dalawang hinlalaki sa aking gilid na labi.

At batid ko sa kanyang ginagawa ay pinapangiti niya ako. Sana nga ganun na lang kadali na ingiti na lang ang sakit. Sana ganun na lang kadali.

Mas mabuting umiyak sa katotohanan. Kaysa ngumiti sa puro kasinungalingan.

"Inom tayo," bigkas ko.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Basta ang gusto ko lang ay mag-inom at magpakalasing. Para doon ko muna hindi maramdaman ang sakit. Pansamantalang saya na hindi iniisip ang aking sakit.

"Are you sure?"

T-Tae. Sila Kaizen at Yuhence nga pala!

"Tawagan mo sila Yuhence baka patuloy silang naghahanap kay Kuya Vanz," anas ko pa.

"Oh sorry. I forgot. Wait," ani niya at nilabas ang cellphone.

"Vien is hurt right now. Magkita tayong lahat sa Moonhouse," anas ni Esther.

Iyon ang isang sikat na bar dito sa aming probinsya. Pati pala lugar na iyon ay alam nila.

"Let's go. Let's chill," nakangising sabi ni Esther.

"Dili gwapo sa pagpahiyom," bulong ko. Batid kong narinig iyon ni Esther dahil bahagyang kumunot ang noo niya.

"I don't know what you are fucking saying, Vien. Gwapo lang ang naiintindihan ko," anas pa niya.

Binuksan ko na ang pintuan at sumakay na sa front seat.

"Sinasabihan mo ba akong gwapo?"

"Nganong ingana ko nga gwapo ka?" tanong ko sa kaniya.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now