CHAPTER 07

5.4K 261 49
                                    

VIVIENNE'S POV

"Sorry Kuya Vanz pero hindi ako pwedeng maging QOC in short," sabi ko para matigilan sila.

"Bakit naman, Veng?" nakangusong tanong ni Kaizen.

"Oo nga," sabay tanong nila.

"Una sa lahat hindi ako nag-aaral dito, at pangalawa sa lahat hindi ako nag-aaral dito, at pangatlot sa lahat ayokong mag-aral dito."

Oo. Ayokong mag-aral dito. Dahil hindi ito ang paaralan na nais ko. Gusto ko 'yong school talaga na may matututunan ka, dito wala kang matutunan. Ang ganda nga ng paaralan puro takaw gulo naman ang mga tao rito.

"Bakit ayaw mo mag-aral dito?" tanong sa akin ni kuya Vanz.

"If she don't want to, let her," nakangising sagot ni Yuhence.

Talaga. Sperm ka!

"Basta, Kuya Vanz."

"Excuse me," napalingon ako sa likod ko at si Zach Timenez ang bumungad.

"Oh?" sabi ko.

"Sorry sa nangyari. I didn't know na babatuhin ka niya ng bola."

Tinignan ko ang tatlo niyang kasamahan. Sa totoo lang ang mga nakalaban ko hindi kaibigan ni Zach. Tss.

"Okay lang hindi mo kasalanan," sagot ko.

"I'm really really sorry," kita sa mata niya ang sinseridad.

"Ge lang," tango ko.

"By the way I'm—"

"Her kuya," si Kuya Vanz ang nakikipagkamay.

"O-Okay. See you around, Queen."

Queen? Anak ng tupa! Bakit Queen? Hayop!

"Tss. 'Wag kang makikipagkamay sa mga lalake dito," suway ni kuya Vanz.

Natawa ako, "Bakit?"

"Baka may covid19. Mahirap na," sagot niya kaya nag-tawanan ang mga sperm na baog.

Kaunti pang kwentuhan ang napagusapan namin bago ko matamahan ang kotse ni Esther na tumapat sa gate. 'Yong guard ang nag-drive. Tinignan ko rin ang gym at nakita kong lumabas doon si Esther na kasama ni Lyndel. Pero natuon ang mata ko sa mag-kahawak kamay nila. Nang inilalayan pa ni Esther si Lyndel na makasakay sa kotse dali-dali rin siyang sumakay. Gusto ko sanang ipapaalala na ako ang kasama nyang nag-punta dito hindi 'yong crush niya.

Hindi ko naman din siya masisisi dahil baka ilang linggo o buwan o taon niyang hindi nakasama si Lyndel. Naiwan ko sa mansion ni Esther ang address na hindi ko nagawang tandaan.

"Veng, bakit hindi mo tinawag?" tanong ni Kaizen.

Nilingon ko siya, "Moment nila yon ayokong sirain."

"Una muna kami mga pre may klase pa kami," sabi ni Ivan at tumango sila.

Umalis na ang iba. Ang naiwan na lang dito ay kaming apat nila Kuya Vanz, Apollo at Kaizen.

"Pero ikaw ang kasama niya, lil'sis," presinta ni Apollo.

"Ayos lang. Kaya ko naman umuwi," sinungaling ako.

"May klase na ako. My princess are you okay?" tanong ni Kuya Vanz at ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako.

"Sige na kuya baka mahuli ka sa klase mo," pagtutulak ko.

Kinurot muna niya ang pisngi ko bago umalis. "Take care."

"Gusto mo ba veng tawagan ko si Esther?"

"Huwag na, Kaizen. Sa tingin ko na-miss ni Esther si Lyndel nang sobra... Kaya hayaan mo na."

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now