HASHTAG // TWELVE: #UnderBaby

235K 4.2K 63
                                    

Hashtag // Twelve: #UnderBaby



Avery's POV


"GO! GO! GO! RAVEN LIM! WE LOVE YOUUU!"

Gusto ko na sanang takpan ang tenga ko ngayon kaya lang nasa may pinakaharap ako doon sa inuupuan ng mga players. Rinding–rindi na ko sa kasisigaw ng isang batalyong fans ni Raven. Seriously, practice lang ito ah? Ganyan talaga sila ka–supportive and dedicated kay Raven? Eh ako nga, ngayon lang nakapunta sa practice nila.

"Three points for Lim." Sabi ng announcer matapos maka–shoot si Raven. Di na ko magtataka kung bakit siya ang Captain ng MHAU Basketball Varsity Team. Napakagaling niya sa 3–point shot tsaka the way he dribbles the ball parang gamay na gamay niya na ang bola. Napakatangkad pa niya tsaka napakaguwapo! That's why he's perfect for that position.

"RAVEN LIMMMMM! DAMN YOU'RE SO HOT!" Agad sigaw ng babae matapos hinawakan ni Raven ang dulo ng jersey niya at ginamit iyon pampunas sa pawis na pawis na noo at leeg. Tapos kinagat niya pa ang dulo nito habang humihinga nang malalim. Kita tuloy 'yung ABS niya. Naku po. Patay tayo dyan.

Eh ako nga humugot pa nang malalim na hininga para mapigilan ang pagsigaw. No wonder why those girls became hysterical after that scene!


Third quarter na at lamang na lamang pa rin sila Raven sa opponent nila na teammate lang din nila. I smiled proudly at him when he looked at me and winked then he bit his lower lip. God, why so hot?

"He's good, right?" Napalingon ako sa lalaking naka–jersey rin na ngayo'y nasa tabi ko na pala.

Pawis na pawis siya. Siguro pinalitan siya kaya nandito na't nakaupo. Ka–team 'to nila Raven, eh. Sa kabila naman iyong kalaban. Dito naman kasi ako pinaupo ni Raven. Nagmukha tuloy akong coach dito.

Nakatingin lang ang lalaki sa gitna ng court at tutok na tutok sa laban. I looked again at whoever's beside him and found no one there. Ako ba 'yung niya?

"Ako ba 'yung kausap mo?" Tanong ko sa kanya at saka pa siya lumingon. Nang nakangiti. Wew! Lahat ba ng miyembro ng basketball team makikisig tsaka pogi? Ano 'to, mana sa captain?

"Yes. Uhm," Tumikhim siya. "As what I've said, he's good right?" He said and looked at me for a while tsaka binalik ulit ang tingin sa court.

"Who?" I asked, a little bit confused. Was that Raven he referred to?

"Captain Raven. He's the best player I've ever known." He said and faced me. "By the way!" He chuckled. "I'm Ezekiel Tan."

"I'm Aver—"

"Yeah. I know you. Finally, nice meeting you, Miss Avery." Bahagya pa akong nagulat dahil kilala niya ako at hindi ko inaasahan iyon. Ngunit agad ding napawi iyon nang maisip kong SSC Pres. nga pala ako.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman ito. "Avery Guevarra." Pormal at simple kong pakilala at agad tinuon ang pansin sa laro.

"Foul number one, Lim! First Personal Foul." Narinig kong sabi ng announcer.

Napalingon agad ako sa kay Raven at nakitang hinawakan siya ng kasama niya ngunit marahas lang nitong tinabing ang kamay. May lumapit pa ulit sa kanya ngunit agad lang niya itong pinagalitan at wala na ulit pinansin.

Napansin ko ang pag–iba ng timpla ng mood ni Raven. Hula ko pagod na siya. Kawawa naman 'to.

"Yuri! Ayusin mo nga! 'Wag mong hayaang maisahan ka!" Sigaw ni Raven na halatang naiinis. Siguro ay pagod na nga ito. Ang score nila ngayon ay nasa 56-53. Lamang sila Raven ngunit masyadong nang malapit. Malayo pa naman sila kanina ah? Maybe because they're Captain is not in the mood. Pagod na pagod na siguro siya.

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt