HASHTAG // THIRTY-SEVEN: #WasteOfTime

162K 3.2K 69
                                    

Hashtag // Thirty-Seven: #WasteOfTime

Avery's POV

"Oh, ma'am easy lang po! Wala po'ng kasalanan 'yang lapis at papel." Nakangising sabi ni Gabriel habang naglalakad papunta sa aking mesa.

Tamo nga naman. Nakapasok na pala si Gabriel nang hindi ko man lang namamalayan? Ano ba naman 'to! Hindi ko na napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid ko dahil lang sa pagkainis ko!

Inirapan ko lang si Gabriel, which was first time kong ginawa sa kanya, at nagpatuloy sa pagsusulat ng mga bagay na dapat kong i-take note pagdating ko sa Tagaytay.

☑ Bring the draft.
⬜ Check the place.
⬜ Make sure that your plan fits to Raven's taste.
⬜ Write the changes directly, if there are.
⬜ Inform Raven about the changes.
⬜ TAKE A TOUR AROUND TAGAYTAY!

"Dammit!" Inis na sigaw ko nang maputol ang lead ng aking lapis! What the hell? Kapag minamalas ka nga naman!

Minamalas nga ba o sadyang sobrang diin lang ng pagkakasulat mo?

I glared at my broken pencil.

Kung kailan kailangan na kailangan, tsaka ka pa talaga mapuputol kang lapis ka!

Itinapon ko na lang ang lapis sa kung saan at inis kong inilagay ang mga kamay ko sa aking mukha tsaka marahas na hinilamos ito.

Ano bang nangyayari sa akin?!

Nakanganga lang na nakatingin si Gabriel sa aking sobrang frustrated na mukha. Siguro unang beses niya pang nakita na ganito ako ka–inis.

Huminga muna ako nang malalim bago kinalma ang sarili ko. Tama. I need to stay cool. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga bwisit na pangyayari sa mundong ito. Hindi dapat!

"Ayos lang kayo ma'am? Grabe. Beastmode na beastmode kayo e." Inosenteng saad ni Gab habang kinakamot ang kanyang ulo.

Naawa naman ako sa kanya. Ni-hindi ko man lang ito pinansin pagkapasok niya sa aking opisina kanina.

Gayunpaman, pilit akong ngumiti sa kanya tsaka umiling. "Anong kailangan mo, Gab?"

He sat on the left chair in front of my table. "I just want to let you see this plan I made, ma'am." He politely said. Ito ang gusto ko sa aking mga employee. They do not forget to show their structural plans to me before finalizing it. Well, that's my policy but then I am glad na sumusunod naman sila.

I drew out some changes on his work then finally finalizing it.

"Thank you, ma'am ah. The best ka talaga." Napangisi na lang ako kay Gabriel nang sinabi niya iyon habang nakangiti. Gwapo rin 'tong isang to e. Pareho naman sila ni Sandro. Hays. Kung anu-ano na lang napapansin ko. Talaga naman.

Nang tuluyan ng nakalabas si Gab, biglang tumunog ang music na 'Don't Let Me Down' sa phone ko. Of course, someone's calling me.

When I read the name of the caller, I grimaced immediately. Lahat ng inis sa sistema ko ay muling bumalik! Ang sarap sarap sarap lang itapon nitong cellphone ko ngayon! Talagang ngayon na!

Dr. Raven Lim calling...


Ugh! Ang sarap lang talagang itapon nitong phone ko! Sobra! Ay hindi pala. Ang sarap ipatapon nitong tumatawag sa akin! Kung sana ay abot-kamay ko lang siya ngayon! Kung sana lang talaga!


Sasagutin ko ba ito?

Malamang. Kliyente pa rin 'yan e. TSS.

Ugh. Sa tuwing nakikita ko ang pangalan nito, naaalala ko lang yung nangyari noong isang araw!

Pagkatapos sabihin ni Katherine na girlfriend siya ni Raven, natulala ako sa harapan nila. Para akong timang na hindi alam ang sasabihin! Langya.

Paano ba naman kasi? Kapag puso na ang nasasaktan, parang lahat ng parte ng katawan ko ayaw nang mag-function. Eh bakit ba kasi ako naapektuhan?

Naghintay ako na sasabihin ni Raven na, "Don't joke about something like that, Kath" o di kaya'y "No, that's not true" Pero wala eh! He just stood there, intently looking at me, as if waiting for a reaction.

I just smiled like I'm not hurt. Kahit sobrang kirot na ang nararamdaman nitong puso ko.

Hindi ba ay kasal pa rin kami? O ako na lang ang nag-iisip na kasal pa kami?

Argh. Ano bang problema ko? Na may girlfriend siya? Iyon ba?

EH KASI NAMAN MAY ORAS PA TALAGA SIYANG MAG-GIRLFRIEND HA? AKALA KO BA BUSY SIYANG TAO!

Sabagay. Pwede naman kasi... kaya lang ay... Ano kasi e... EWAN! Ayoko nang mag-isip. Ako lang pineperwisyo nun.

I swiped the screen to answer his call. Do I have any choice?

"Can't you answer it immediately—" Narinig ko agad ang baritonong boses niya.

Umirap ako. Demanding ka pang bwisit ka. "Anong kailangan mo?" Walang kabuhay-buhay na tugon ko sa kanya, not letting him finish what he is saying.

Narinig ko ang tikhim niya sa kabilang linya. Mabilaukan ka sana sa sarili mong laway. "Well, you are aware that I am your client, Architect Guevarra. Manners?"

"Did you just call to discuss about Good Manners and Right Conduct? Natapos ko ng pag-aralan yan noong elementary e. Humanap ka na lang ng ibang tuturuan. I am busy kaya kung pwede lang papatayin na kita." Shit. "Papatayin ko na itong tawag." Dagdag ko na lang. Nadulas pa ako. Dammit.

He chuckled. Shit, why do you have a very sexy voice when chuckling? It seems so unfair. Other men tried harder, pero wala rin. To him it comes naturally. Tuwing nagsasalita siya sobrang sexy pakinggan lalo na kapag bumibigkas ng salitang ingles.

"Masyadong high blood ah. Calm down. Anyway, I just want to remind you about our trip tomorrow. Sana hindi mo iyon kinalimutan."

Naku naman talaga. Syempre hindi ko iyon makakalimutan! How could I? Did he just call to inform me about that?

"Iyan lang ba ang itinawag mo sa akin, Dr. Lim?" Pinagdiinan ko talaga ang Dr. Lim na 'yan. Kainis e.

"Yes. Problem?" Sabi niya sa tonong naiinis. I rolled my eyes again. Oo, sobrang laki ng problema! Ginugulo mo lang naman ang puso at isip ko!

"What a waste of time." Nasabi ko na lang. Sorry naman, naiinis lang kasi ako tuwing naalala kong may girlfriend siya e. Hindi ko maiwasan.

Sandali siyang natahimik sa kabilang linya.

I instantly regretted what I just said. God, Avery. Ang tao na nga iyong nag-effort sa pagtawag ikaw pa tong may pa 'What a waste of time waste of time'.

I bit my lower lip at hindi na nagsalita. Bahala nga siya kung na offend siya roon! Ano naman kung sinabi kong waste of time lang ang pagtawag niya. Totoo naman e. Isa pa busy siyang tao kaya inaalala ko lang ang bawat oras niya.

"Right." Narinig kong sabi niya as if realizing something. "It is indeed a waste of time. Okay, let's just see each other tomorrow. I already filed a leave for a week. Goodbye." He coldly said then finally ended the call.

Yang bibig mo talaga Avery ano?

Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Sa totoo lang, hindi niya kailangan mag-file ng leave for one week. We could finish checking the place for a day. Ako lang naman ang kailangan magtagal doon ng mga ilang araw kasi doon ko gagawin ang blue print ng bahay niya.

Siguro gusto niya ring mag-relax. Sobrang stressful siguro ng trabaho niya.

"Right. It is indeed a waste of time."

Napapikit na lang ako ng aking mga mata nang marinig sa utak ko ang sinabi ni Raven pagkatapos ng kanyang tawag.

Alright, I am feeling guilty!

Bakit ba kasi kailangan niyang magpa-konsensya nang ganito?


***

A/N: I love reading your comments 😍

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora