HASHTAG // FOURTEEN: #SayAhhh

202K 3.4K 22
                                    

Hashtag // Fourteen: #SayAhhh

Avery's POV

Akala ko lahat ng biro okay lang. Akala ko lahat ng biro ay hindi nakakasakit. Akala ko ang mga biro ay makapagpapasaya lang sa'yo. Ngunit hindi ko alam na ang biro ko palang iyon ang dahilan kung bakit ang layo layo ni Raven sa akin ngayon.

Like, literally.

Nainis siya sa ginawa kong pagpansin sa lalaking lumapit kanina sa amin kaya ngayon hindi na niya ako pinapansin ni nilalapitan.

Pagkatapos ng eksenang iyon kanina nagpatuloy lang siya sa pagkain habang hindi ako pinapansin. He's completely ignoring me and I'm starting to get pissed. Seriously.



Tulad ngayon, ang bilis bilis niyang maglakad, ni hindi man lang ako hinihintay. Potek.

Nakalagay pa ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. He's ignoring all the looks everyone is throwing at him, and also me. He's ignoring me.

Hello, that was just a joke! J. O. K. E. Tsk!

Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanya kahit hiyang hiya na ako sa mga taong tumitingin sa akin. Para lang siyang walang naririnig at lakad pa rin ng lakad. Konti na lang. Konti na lang talaga Raven Lim. Ugh!

"Raven!" Hindi gaano kalakas ang boses ko pero alam kong narinig niya iyon dahil tumigil siya saglit at akmang titingin ngunit agad lang siyang tumalikod at naglakad muli. What the heck. Talagang paninindigan niya yang pang–iisnab niya ha!

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa maabutan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya and I intertwined my fingers with his causing him to halt and I saw how his breathing hitched.


Kita ko ang pagtaas baba ng paghinga matapos kong mahawakan ang kanyang kamay. He glared at me but I saw how his cheeks turned red lalong lalo na't maputi at makinis ang pisngi niya kaya kitang kita ang pamumula niya pati ng tenga niya.


I breathe heavily too. We're on the same page Rave, I guess.

"Sorry na 'by." I turned him so that he'll be facing me and I nuzzled my face on his chest and hugged him. For a moment, I inhaled his natural scent and I almost floated on air.

Sht, ang bango niya. Gusto ko na yata nandito ako palagi. Ahhhh. Ang bango niya talaga. Buti na lang walang masyadong tao sa lugar na ito ng mall kundi baka namatay na ako sa kahihiyan. PDA.

Akala ko ay hindi na niya ako papansinin dahil halos tatlong minuto na akong nakayakap sa kanya ngunit narinig ko na lang ang malalim na buntong-hininga niya at ang unti unting pagpulot ng braso niya sa aking bewang. Agad akong napangiti.


Yeah dude. I know I'm already forgiven! Yes.

"Pasalamat ka't hindi kita matiis–tiis." He said and I almost fainted upon hearing his soothing voice. God, this man. "But that doesn't mean we'll let that incident pass. You owe me one, Avery. And you'll gonna pay for it, baby." He said while slowly tightening his hold on my waist and kissing the side of my ears.

The hell.

***

"Eto na po."

"Where's my coffee?" He said with raised brow and I glared at him. Ang sabi niya juice! Tapos ngayon coffee naman? What the hell is his problem?!


"Putang—cheese cake 'yan!" He looked at me with a warning look. Okay. "Ang sabi mo juice—" Agad akong napatigil nang inilagay niya ang kamay niya sa harap ko.

"You don't talk back to your Master, do you understand?" I can seriously see the smirk on his face that is about to show but he's just controlling it. Jerk!


Agad akong napatahimik dahil sa sinabi niya at padabog na bumalik uli sa kusina para magtimpla ng kape ng mahal na prinsipe.

Ito.

Ito ang kabayaran sa ginawa ko kahapon. Tss. Ako ang naging utusan niya at kailangan kong sundin lahat ng inuutos niya. Master ko daw siya. Psh! Master my ass. Kita talaga to pag natapos ko na ang deal na to.

"Oh!" Inilapag ko na ang ang kape sa harapan niya at inirapan lang siya. Pag minamalas ka nga naman, ako pa talaga ang tagapagluto niya ngayon.

Nangiti pa talaga ang kumag at agad ininom ang kape. Tumango–tango pa siya at ngumisi ulit bago tumingin sa akin na nakatingin nang masama sa kanya.

"Now..." He tapped the table using his fingers and stared at me with a smirk on his face. May iuutos na naman to!

"My next order is," He smirked and reached for my hand. "Sit on my lap and let's eat breakfast. Alright baby?" He pulled me towards his lap and treated me like I'm very precious.

He made it sure that I seated comfortably before extending his arm and reaching for the spoon. His left hand is enveloping my waist and the other is holding the spoon. I stared at him dumbfounded and he just pouted his lips.

I instantly blushed at his action. Freaking fudge. He's very random! Urgh. Naramdaman ko ang pag–init ng magkabilang pisngi ko. Goodness.


Yung inis na naipon kani–kanina lang ay biglang nawalang parang bula. Damn it, Raven Lim. Why are you doing this thing on me.

"Ahhh." He said while trying to let me eat but I refused to open my mouth. He stared at me in amusement and just smiled. "Baby, say ahhhh.." Raven said and forced me to open my mouth by kissing me first then the next thing I knew he's already feeding me.

Nice strategy. –_–

Hmmmp. Tiningnan ko lang siya nang masama at ngumuso. Pero ang totoo, kinikilig ako. Ha ha.

Landi, gurl.

February 18, 2015
© Keyydot

Edit: Please follow my Dreame account for new updates. Thank you!

@KeyydotWrites on Dreame 💜

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now