HASHTAG // TWENTY-THREE: #Past

169K 3.1K 28
                                    

Hashtag // Twenty-Three: #Past


"Tol, balita ko Captain ka na raw sa MHAU. Ayos, ah." Bungad ni Keizer, matalik na kaibigan ni Raven nang magkita sila sa isang Bar.

Raven just shrugged his shoulders. He is the captain, so what?  He didn't care if he'll be the captain or not. He just loves playing basketball. That's all.

"Yeah." Sagot niya at tinungga ang baso ng alak na hawak-hawak. He saw some girls looking at him, and some were trying to get his attention by approaching him every now and then.

Even with just his simple shirt and pants which hung perfectly on his hip, Raven looked dashing. Medyo messy ang kanyang buhok ngunit mas lalo lamang itong nakadagdag sa kanyang appeal. No wonder every girl constantly looks at him wherever he is.

Chicboy. Babaero. Fucker. Name it, lahat ng iyan ang itinatawag ng iba sa kanya. But all of those were never true. Neither of those names were true.

Ngunit wala siyang ginagawa upang mabago ang mga sinasabi nila. Instead, he feeds them up with what they were thinking. Pinapakita niyang marami siyang babae na kasama, ngunit hanggang doon lang iyon.

One reason... Reputation.

"RAVEN, you are not getting any money from me hanggat hindi ko naririnig na nagseseryoso ka na sa buhay mo!" Vernie, Raven's grandfather, reprimanded him again... and again.

Palagi na lang kasing mayroong naririnig na hindi magagandang balita ang matanda tungkol sa kanyang apo. Hindi na nito sineseryoso ang kanyang pag-aaral at palagi pang kinakikitaan na may kasamang iba't ibang babae gabi-gabi.

"Lo, you're not serious. Aren't you?" He asked, thinking that his grandfather was only kidding. His Lolo loves him more than anyone. Of course, siya lang naman kasi ang apo. He must be joking or something.

"I am dead serious here, Raven. Kahit kailan hinayaan lang kita sa mga gusto mo. Don't try me this time, son." His grandfather said authoritatively.

Totoo ngang hindi siya pinakialaman ng Lolo niya sa mga gusto niyang gawin. But to be serious with girls? Sa pag-aaral pwede ko pang seryosohin. But girls? Nah.

"Okay Lo. You win. Tsk." Labas sa ilong na sagot niya.

His Lolo just shook his head thinking that he spoiled his grandson too much.


"PORKET ikaw ang ipinalit sa akin, makaasta ka akala mo kung sino! Baguhan ka lang Lim! Napilitan lang sila coach na ipalit ka dahil sa impluwensya ng Lolo mo!"

Ikinuyom ni Raven ang mga kamay upang pigilan ang sariling sapakin ang lalaking nasa harap niya.

Rafael Dela Cuesta. Siya ang dating Captain Ball ng MHAU ngunit napalitan dahil sa pagdating ni Raven. Bully si Rafael sa mga kasamahan at hindi niya itinuturing itong teammates kaya napagpasyahan na ipalit si Raven.

Mas magaling rin ang huli pagdating sa paglalaro. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang naging kapalit.

"You're still not over it, Rafael? Pwede ba, kung gusto mong maging Captain ulit, ayusin mo muna ang sarili mo. Siguraduhin mong karapat-dapat ka ng bumalik sa pagiging Captain ng Stallions." Cool lang na sagot ni Raven at nagulat siya nang ambahan siya ng suntok ng galit na si Rafael. Mabuti at mabilis siyang nakailag.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa at naunang lumayo si Rafael. "You'll pay for this, Lim. Sisiguraduhin ko iyan."

"Iyon lang ba? Well, how much then?" Iritadong tanong niya na mas lalo lang ikinagalit ni Rafael.

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now