HASHTAG // TWENTY-TWO: #Slowly (Part 1)

157K 2.6K 19
                                    

Hashtag // Twenty-Two: #Slowly

Avery's POV

They were laughing. It looks like they are really comfortable with each other. Para pa ngang ang saya–saya nila. How could he do that in front of me?

Mas naramdaman ko na ngayon ang puso ko na parang hinahati. Ang sakit. Tangina. Hindi naman ako napamura noong magdebate kami sa Pol. Sci. namin at natalo kami, pero bakit sa lecheng pag–ibig na na ito mapapamura ka talaga sa sakit.

Gustong–gusto ko silang lapitan! Gusto kong puntahan si Raven at ilayo sa babaeng iyon!

Ngunit isa akong leader ng University na ito, at alam kong hindi tama kung gagawa ako ng eskandalo. But damn! Why does it hurt like this? Is it supposed to be this way?

"You look..." Narinig kong sabi ni Ulysses habang tinitingnan ako. Hindi niya tinapos ang sinabi niya nang makita ang kaunting luha na tumulo sa gilid ng aking mata na agad ko namang pinahid. I know, I looked like a mess.

Maybe I'm crying right now because the way Raven is ignoring me now is different. I don't know, maybe malalim ang pinanghuhugutan? Hindi ko alam but I can sense something.

"Are you alright, Miss Avery?" His voice was laced with concern. Bakit ganoon? Pag may kumo–comfort sa iyo mas lalo kang naiiyak. I tried my best not to break down here.

I smiled at him. "I am alright—" Natigilan ako nang bigla niyang itaas ang kanyang kamay at ipinahid niya iyon sa luhang tumulo na naman. Shit. Mas lalo lang tumulo ang aking mga luha!

Not a second had passed nang nakarinig kami ng tila mayroong nabasag. Lahat ng tao napatingin sa kung saan iyon and nagulat ako nang makita ko ang duguang kamay ni Raven. Puno ng galit at sakit ang mga mata niya. The look on his eyes hurt me more. Mukha siyang nasasaktan ngunit pakiramdam ko ako ang mas nasasaktan habang nakikita siyang nasasaktan din.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero alam kong may dahilan siya.

Agad akong tumayo at nilapitan siya. Kinuha ko ang kamay niya ngunit hinawi niya lamang ito at agad tumayo para umalis. Lahat na ng estudyante sa loob ng Café ay nakatingin sa amin. May iba pa ngang nagbubulungan. Screw them! Wala akong pakialam.

Sinundan ko si Raven. I almost ran sa bilis ng lakad niya.

"Raven!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako nilingon. Papunta na siya sa parking lot. Makailang–ulit ko pa siyang tinawag ngunit hindi niya talaga ako nililingon.

Tumakbo na ako para maabutan siya. Blurry ang paningin ko dahil sa mga pesteng luhang ito na hindi ko alam kung bakit tumutulo.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse ngunit naabutan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at agad naman siyang napatingin sa akin. Nakikita ko pa rin ang sakit at galit sa kanyang mga mata ngunit mas nagulat ako nang makakita ng kaunting luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Raven..." I was about to touch his face...

"W–why?" He said, not looking at me. I was confused with what he said.

"Ano ang ibig mong sabihin, Rave?"

Hindi siya makatingin sa akin. Duguan pa rin ang kamay niya. Hahawakan ko na sana ito ngunit agad niya itong inilayo. Why wouldn't he let me touch him? It feels like I am some kind of a communicable disease ready to infect him. Sobrang sakit. Dammit!

"Fuck, Avery! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!"

"Hindi ko alam, Raven. Please tell me..." I pleaded. Wala talaga akong alam sa ibig niyang sabihin. Hindi naman siguro ito dahil kay Ulysses diba? Alam ko naman kung paano siya magselos. Hindi kasi pagseselos ang nakikita ko sa kanya ngayon kundi... galit. Sobrang sakit at galit.

___

To be continued. Sorry kailangan lang :)

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now