HASHTAG // THIRTY-SIX: #Girlfriend

168K 3.1K 102
                                    

Hashtag // Thirty-Six: #Girlfriend

Avery's POV

Gulat akong napalingon sa may-ari ng bisig na biglang pumulupot sa baywang ko. God! Ramdam na ramdam ko ang haplos niya habang nakalagay ang kamay niya sa tiyan ko.

Raven Lim! Why are you doing this?

Nawala ang ngiti ko sa ginagawa niya at ramdam na ramdam ko ang mumunting kiliti nito sa loob ng aking tiyan. Yes, there are still butterflies in my stomach right now! And it's all because of his touch!

Dammit.

"Raven, what's this?" Pagalit ang tono ko nang sinabi iyon sa kanya, hiding whatever damn feeling inside of me. Kahit grabe na ang kabog ng dibdib ko sa simpleng bagay na ginagawa niya.

His face remained stoic, not even smirking. Nakatingin siya nang masama kay Brent, habang si Brent naman ay nakangangang nakatingin sa mukha at katawan ni Raven. Oh God. Muntikan na akong mapailing. Help Brent! Tss.

Lumingon si Raven sa akin habang nakakunot ang noo at galit ang mga mata. I inhaled sharply. The intensity of his eyes weighs too much.

Nagkatinginan kami saglit.

Tumikhim uli siya at inalis ang kamay niyang nakapulupot sa aking baywang.

"You have too many boys, huh." Raven smirked, but his eyes are showing the other way around. "Why not introduce me to them? As your..."

Dinugtungan ko agad ang sinasabi niya.

"Pwede ba? Wala akong mga lalaki." Sabi ko sabay irap sa kanya. I cut him off dahil ayaw kong marinig na gusto niyang ipakilala ko siya sa mga kaibigan ko bilang isang kliyente o di kaya'y isang kaibigan! He's still my husband.

Siguro pagkatapos ng project na ito, saka na namin pag-uusapan ang tungkol sa sitwasyon namin. If he wants to get an annulment, then...

Napapikit ako. I don't want to think about it. Masyadong masakit isipin.

"I'll go to my friend first." Pinagdiinan ko ang salitang friend habang nakatingin sa hindi nakangiti niyang mukha. "Kung gusto mong pumunta na sa hospital, you may go. You still have work." I said and walked to the table where Brent and his 'friend' are currently occupying.

Hindi ko alam kung umalis na ba si Raven o ano, basta hinding-hindi ako lilingon! Of course, Avery. May duty iyong tao! Malamang umalis na.

Agad nagplaster ang isang makahulugang ngiti sa mukha ni Brent pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng table nila. Inirapan ko lamang siya ngunit binigyan ko ng ngiti ang katabi niya na ngumiti naman pabalik sa akin. Parehong gwapo ang dalawang ito. Sorry talaga girls.

"Oy, sino 'yun A? Ikaw ha, lumalovelife ka na e." Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko. Inirapan ko ulit siya. "Ang gwapo, A. Tsaka 'yung katawan sobrang yummy. His face is quite familiar." Bulong niya sa akin. Takot siguro marinig ng kasama niyang tahimik na kumakain.

"Pwede ba? Kliyente ko 'yun!" Agarang sabi ko.

"Really?" Nanglaki ang mga mata niya. Sinapak ko ang mukha niya. He's mocking me. Urgh. Tumawa ang loko, talagang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "If he's your client, then why the hell is he still there waiting for you when, I presume, your meeting was already over?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Brent. No way! Lumingon ako sa aking likod at doon ko napatunayan ang sinasabi ni Brent.

God, why is he still here?! I glanced at my watch and it's already 10:30 PM.

"Teka lang, Brent." Sabi ko at pinuntahan si Raven. Hindi naman siya ganoon kalayo sa amin.

He's standing near Brent's table, napamulsa at makisig na nakadungaw sa amin. He looks so hot with that serious face and perfect jaw. Inayos niya pa ang itim niyang relo habang matamang nakatingin sa akin.

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now