HASHTAG // SIX: #Ngiti

236K 5.7K 155
                                    

Hashtag // Six: #Ngiti

Avery's POV

"Why are you always smiling, Avery?"Christian asked while sipping his coffee. "Should I be bothered now?" dagdag nito na sinabayan pa ng tawa. Sinapak ko nga! Lagi naman akong tumatawa ah? What's new?





"Crazy," nakangiting sabi niya at napailing na lang. Pinaningkitan ko naman siya ng mata na ikinatawa lang ulit niya.

Nandito kami sa MHAU Coffee Shop, nag-aya kasi si Christian eh. Wala naman din akong ginagawa kaya ayos lang naman.







Napakapalangiti talaga nitong lalaking 'to. Marami na ngang nakatingin na babae sa kanya dito sa loob ng Coffee Shop. Sino ba naman di mapapatingin dito sa kasama ko?

Naka-jersey pa siya marked with LACSON at the back part with the number 12. Yeah, he's good looking aight, but I think mas gwapo ang paparating ngayon. Naka-jersey rin siya, same with Christian, and he's wearing his basketball shorts! Gawd.





He. Is. So. Hot.





Lahat ng mga babae napatigil sa ginagawa nila at tinapunan ng tingin ang lalaking papasok sa Coffee Shop. Nakasablay pa ang itim na bag nito sa likod at malalaman mo talagang kagagaling niya mag-practice dahil basa pa ang buhok nito na di ko alam kung sa pawis ba o sa shower!







"Babe? Nakikinig ka ba?" inis na saad ng lalaki na nakaupo sa may unahan namin. Magnobyo ata to. Yung babae kasi tumitig pa kay Raven. Tsss. Talandi. May boyfriend ka na, huwag ng titingin sa iba!



Napairap ako sa kawalan. Damn. Bakit kailangan niyang maging ganyan ka guwapo kasi?!





"Yung team captain ba yan ng M.H.A.U Stallions?" usisa ng isang babaeng medyo malayo sa amin, pero dinig ko pa rin ang boses sa lakas ng pagkakasabi niya. "Luuuh, ang guwapo."







Yah, everyone knows. ( ̄- ̄)







Tsss. Nawala ang ngiti kong inipon ko pa mula pa nung di tinulungan ni Raven yung assuming na cheerleader kanina. Pero ngayon? BACK TO BASIC.





Simangot.







"Ahemm!" biglang tikhim ni Christian na nakalimutan kong nasa tabi ko pala. Damn, because of that Raven Lim! Tinawanan lang ako ni Christian. "Hey, would you mind if I ask you something?"





Umiling ako. "No, I won't. Uhmmm you can ask," I said that as I glance at Raven who's talking now to the cashier. I saw him looking at us, but withdrawing it whenever I look at him.





Christian moved his face closer to me, and whispered...

"You and Captain..." he paused for a while and then smirked. Damn, I'm catching every breath, waiting for what he's gonna tell! Urgh.

"Are you..." he paused again. For suspense! "...together?" he said that while still smirking!



Nanlaki ang mga mata ko. Does he know about us? Wait, no! If so, papano niya nalaman? Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Magkalapit kasi kanina yung mukha namin nang bumulong siya.





"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" I tried to keep my voice as calm as the weather today. But dammmmn, my heart keeps throbbing louder than the music played in this shop. The hell.



Bakit nga ba ayaw kong malaman nila na I'm already married?

First, Raven said na AYAW niyang malaman ng iba or may makaalam na kasal na kami. Para raw maging malaya kami sa lahat ng gagawin namin. Second, baka mabigla ang MHAU na ang SSC president nila, ay kasal na! Who wouldn't? Nakalagay pa sa Bio-data ko ang Civil Status: Single dun noong nag-run ako last year pero malalaman nilang Married na pala ako?! So that means no no. And lastly, sabi ni Lolo kapag daw sinabi namin sa lahat na kasal na kami, that means ready na raw kami... mabigyan siya ng apo!

Hindi pa po ako ready! Oo, gusto ko maging ina sa mga anak namin ni Raven but please, not now! I'm too young.





"You know what," ngumisi siya sa akin. Tss that smirk of him! Parang may kahulugan. "You don't have to keep secrets from me, Avery. We're bestfriends already, right?" WHAT? Best friend, kailan pa?









"Huh? Huy! Anong bestfriend bestfriend pinagsasabi mo riyan? Wag kang feeling ah!" irap ko. Tumawa na naman siya.







I glanced at Raven who is eating seriously at the table on the other side fronting us. Buti walang babaeng tumabi sa kanya ngayon! Knowing na he's famously known as the Campus Heartthrob and the Campus Flirt. ˋ︿ˊ Kahit sinong babae lumalapit sa kanya whenever he's alone. Ngayon lang wala. Maybe because of his Aura today. It's dark. So dark.







Christian smiled. "The fact that I can't have you—well, as my girlfriend, makes you instantly my bestfriend! Isn't it a great idea?!" excited pang sabi nito. Gahhhh, he's so straight to the point. Why does he even think of making me as his girlfriend?







"Girlfriend?" medyo napalakas ang sabi ko non dahilan para mapatingin sa amin ang ibang students. Including HIM. Ngumiti naman ako sa kanila at nag.peace sign without looking at him. Ang sama niya kasi makatingin. "Bakit mo naman naisipang gawing girlfriend ako?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses.





He looked at me in disbelief. Tsaka tumawa na naman siya as if may nakakatawa akong sinabi!



"Seriously?" di makapaniwalang tanong niya sakin habang tumatawa. Kanina pa tong Christian na to ah, hmmp!

"Who wouldn't? You're everything a man wants. You're beautiful, charming, elegant. Your beauty is different because it's sophisticated. You're kind. You have a good heart. You're perfect. Yung tipong kapag nakuha ka nila, para na silang nanalo sa lotto. O diba? Kaya nga, minsan hinangad kong maging akin ka noon." nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya pati na sa huling binanggit niya! Like... really?







"You what?" tanong ko. I just can't believe it. I thought friends lang ang tingin niya sa akin eh.





"Bingi naman!" inis pero nakangiting sagot niya. Gulo nito. "I said, gusto ko maging girlfriend ka... NOON." sabi niya tapos ngumisi na naman! At umiling iling pa uli habang tumitingin sa ibang direksyon tapos ibinabalik na naman sa akin.







"Wow naman, dire-diretso," sagot ko. Wala talagang hiya sa katawan tong lalaking to. Well, kung alam mo namang gwapo ka, mahihiya ka pa ba?





Napansin ko na namang tumawa na naman siya at umiling iling uli! Yung totoo? Lahat ba ng ginagawa ko nakakatawa?! Pinaningkitan ko siya ng mata. Ako ba pinagtatawanan nito?!



"Argh! Christian!" reklamo ko. "Are you laughing at me?! Kanina ko pa napapansing tawa ka ng tawa ah! Ako ba pinagtatawan mo?!" inis na saad ko sa kanya. Kainis eh.







Bigla niyang inilapit ang mukha niya sakin at ngumisi habang nakatingin ang mga mata niya sa may likuran ko, tsaka siya bumulong...







"Sino ba namang di matatawa kung..."



Hinawakan niya ang baba ko para maitaas ang tingin ko sa kanya. Sasapakin ko na sana ang kamay ng chansing na to pero napatigil ako sa idinugtong niya...

"...kung nakikita mo ang isang lalaking halos baliin na ang tinidor niya habang matamang nakatingin sa babaeng minamahal niya— NA MAY KASAMANG IBA."

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now