KABANATA XIII

279 17 1
                                    

[ G A L I L E E ]

Nang imulat ko ang mata ko ay wala na akong nakitang Teo sa harap ko. Pinadaan ko ang mga daliri ko sa buhok ko at hinawakan ang unan sa katabi ko.

Bumangon ako at agad na hinanap si Teo sa kwarto pero wala na sya rito. Nakapunot naman ang noo ko. Tumayo ako at isinuot ang tsinelas ko.

Nagsuklay muna ako bago ako lumabas ng room. Nasaan kaya si Teo? Nasa labas ba sya?

Pagkabukas ko ng pinto ay wala akong nakitang Teo sa kitchen at sala. Bukas rin ang CR kung kaya't walang tao ron.

Agad akong kinabahan ng wala akong makitang Teo sa unit ko. I gulped again and again.


"Kalma Galilee...." pagpapakalma ko sa sarili ko pero hindi naman nakatulong dahil tumulo na ang mga luha ko. "Teo asan ka na ba kasi?!" napaupo na ako sa sahig.

Pucha iniwan nya na ba ako?! Nahanap nya na ba si Maraiah na totoong mahal nya?! Asan sya?!


Napatigil ako sa pag iyak ng marinig kong bumukas at sumarado ang pinto ng unit ko. A second later, I saw Teo with a plastic bag in his right hand.

"Binibini! bakit ka umiiyak?!" gulat na tanong nya at mabilis na lumapit saakin. Yumakap naman ako agad sa kanya.

"Teooo!!! san ka ba galing ha?! Akala ko iniwan mo na ko!! Bakit hindi moko ginising?!" inis na tanong ko habang naiyak. Pinatahan nya naman agad ako gamit ang kamay nya na hinihimas ang likod ko.


"Shhh tahan na mahal, pagpasensyahan mo na at hindi ako nakapag paalam... naubos na kasi ang mga pagkain na nakalagay sa iyong ref kung kaya't bumili ako sa labas gamit ang pera na iyong ibinigay saakin." pagpapaliwanag nya. Agad naman akong napatingin sakanya habang nasinghot ako.

"T-Talaga? huhuhu akala ko iniwan mo nako!" sigaw ko sabay suntok sa dibdib nya.  Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon. Pagkatapos ay pinahid nya ang mga luha ko sa pisngi gamit ang isa pang kamay.

"Binibini... kumain na tayo" nakangiting sabi nya. Agad naman akong napailing.

"Promise mo hindi moko iiwan ha!" sabi ko habang tinitigil ang pag iyak ko. Agad nya naman akong niyakap at saka hinalikan ang labi ko.

"Shhh... Mahal kita Galilee" nakangiting sabi nya. 

"I love you too Teo!" sagot ko saka ko sya niyakap. "Wag mo nang uulitin yon ha!! nakakakaba kaya!" humiwalay ako ng yakap at saka kinuha yung hawak nyang plastic.

"Kumain na tayo binibini... Magandang umaga" sabi nya saka hinalikan ang noo ko. Napangiti naman ako.

"Goodmorning rin Teo..." bati ko. Pagkatapos ay Niluto ko na ang mga binili nya. It was a pack of hotdog and ham. May binili rin syang mga fruits.

Napatingin ako sa kanya ng may maalala ako. "Teo san ka nakabili neto? walang supermarket dito ah?"  takang tanong ko. Agad naman syang napatingin sakin.   


"Ginamit ko ang iyong sasakyan binibini... pagpasensyahan mo na at hindi ako nag paalam." paliwanag nya. Agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.


The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now