KABANATA I

644 29 4
                                    

[ G A L I L E E ]

"Maraiah..." nagulat ako ng biglang may yumakap sakin muka sa likod. Agad na nanlaki ang mata ko.

"What the fuck!" I said and pushed him away. Gising na pala ang lalaking inuwi ko, bakit hindi ko naman sya nakitang bumangon kanina?! 

"Binibining Maraiah, ipagpaumanhin mo sapagkat ako'y naging mapusok. Hindi dapat kita agad niyakap ng wala ang iyong pahintulot lalo na't ang iyong suot ay panloob pa lamang." the man said then looked away.

What the actual fuck is he saying?

"Anong panloob?! Hoi mister! kung di mo pa alam, Gucci ang tatak ng suot ko!" inis na sigaw ko sa lalaki. Nag iwas pa rin ito ng tingin mula saakin na para bang wala akong suot na kahit ano.  "Hoi mister! Tumingin kanga sakin dahil kinakausap kita! wala ka bang manners and right conduct?!" inis kong sabi. 

"Binibining Maraiah, hindi ako maaring tumingin sa iyo dahil ang iyong suot ay hindi kaaya ayang tignan para sa isang lalaki. Pagpasensyahan mo ako binibini ngunit maari bang mag suot ka ng iyong baro't saya?" sabi nya tapos inililibot parin ang tingin sa parte ng unit ko.


What the fuck is he?! Anong baro't saya ang sinasabi nitong lalaking toh?! What the hell was that?! At anong hindi kaaya aya! Pinost ko toh kanina sa ig story ko at maraming nag reply na maganda noh!!

"Are you a psycho or crazy?! Naalog ba yang utak mo ng masagasaan kita?! The hell! Ayusin mo nga yang pananalita mo!" inis na sabi ko. 


"Hindi ko maintindihan ang iyong tinuturan aking binibini. Hindi naakma ang iyong kasuotan para masilayan ng isang ginoong katulad ko. Maari bang mag palit ka na lamang muna?" abat mokong nato nagrequest pa! bwisit ah!

Napatawa naman ako ng mapait. "Teka nga Mr! dinala kita dito sa unit ko para gamutin ko! pero hindi ko alam na sakit sa utak pala ang sakit mo kaya pasensya ka na Mr dahil hindi ako marunong mang gamot ng mga baliw! If you want? I can recommend you to my psychiatrist!"  


"Binibini hindi ako isang baliw, Isa akong marangal na ginoo at nakapagtapos ako ng kursong pag aabogasya. Ang aking sinasabi ay ang iyong kasootan ay mapangahas" pagkatapos non ay lumakas sya papunta sa may cr at kinuha ang towel ko na nakasabit sa loob non. Nagulat ako ng ipinalibot nya sakin yon at saka hinawakan ng mahigpit para hindi mahulog. 

Pucha e gago pala toh eh! Ang gwapo gwapo pero may sayad sa utak! Maluwag ang turnilyo ng lalaking toh!

"Ano ba!! Ang init init!!!" pinilit kong alisin ang towel na nakapalibot sa buong katawan ko. "What the hell do you think you're doing Mr! You psycho!"

Nang sa wakas ay natanggal ko na ang towel sa katawan ko ay agad kong inayos ang suot ko. Nakita ko naman na agad ayang tumalikod na para akong isang hubad na babae sa harap nya.

Pucha ha! naiinis nako sa lalaking toh! 

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Walang mangyayari kung magsisigawan lang kami dito. Gutom na gutom nako for fvcking sake!


"Look—Ano ba humarap ka nga dito!" Hinawakan ko sya sa braso nya at saka pinaharap sa akin. Nakita kong lumaki ang mata nya at saka nag iwas ng tingin. "Tumingin ka sakin lalaki!" utos ko.

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now