MARSO 07,1876

251 15 0
                                    

[ THIRD PERSON ]




Alas syiete na ng gabi ngunit gising parin si Maraiah at nag iimpake ng damit sa isang kahon na gawa sa banig. Inilagay nya ang mga ilang damit at importanteng gamit niya. Tinutulungan sila ni Juanita makatakas mamaya at sinigurado nila na tulog na ang lahat.





Takot at kaba ang nararamdaman ngayon ni Maraiah, ano mang oras ay maari silang mahuli at sa oras na mahuli sila ay siguradong papatayin ng kaniyang ama si Ginoong Teo.





Nang matapos siyang mag empake ay agad siyang dumaan sa bintana ng kaniyang silid at may nakalagay roong hagdan na gawa sa kahoy. Inilagay niya iyon kaninang umaga habang siya ay nag didilig.






Tumingin sya ng ilang beses sa kaniyang silid bago tuluyang bumaba sa hagdan. Wala ng atrasan ang kaniyang gagawin. Bahala na kung mahuli o hindi. Kung mamatay man sila ni Ginoong Teo ngayon ay bahala na.






Mabilis syang nakatakbo paalis ng mansyon dala dala ang kaniyang kahon. Bawat apak nya sa mabatong daan ay lalo siyang kinakabahan. Lalong bumubilis ang tibok ng kaniyang puso.






Nang makarating siya sa Kagubatan ay agad nyang nakita ang isang lampara na may sindi. Alam nyang iyon ang lampara ni Ginoong Teo kaya mabilis syang tumakbo papunta roon.






Nang makalapit sya ay agad nya iyong niyakap kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. Tanging liwanag lamang ng lampara ang kanilang nakikita.






"Binibini.... halika na" humiwalay ng yakap si Ginoong Teo at hinawakan nya ang kamay ni Maraiah.






Tumango naman agad si Maraiah at nagsimulang tumakbo.






Hindi pa sila nakakalayo ay may narinig na silang putok ng baril.






"G-Ginoo! nariyan na si Ama!" kinakabahang sigaw ni Maraiah habang natakbo. Hinihila lang sya ni Ginoong Teo.






"Huwag kang matakot binibini...tumakbo na lamang tayo" sabi ni Ginoong Teo. Ganoon ang ginawa nila.






Hanggang sa mapatigil si Ginoong Teo. Napansin nya kasing tumigil sa pagtakbo si Maraiah kung kaya't tinignan nya ang dalaga. 






Laking gulat nya ng makita nya itong may dugo sa bandang tiyan at may lumalabas na ring dugo sa bibig ng dalaga. 






"G-Ginoong Teo... T-Tumakbo ka na..." nahihirapang sabi ni Maraiah at napaupo na ito sa damuhan.






Agad na namutla si Teo at agad sinalo ang ulo ng sinisinta. "B-Binibini! H-Huwag kang mamamatay!" sigaw ni Teo.






Hinawakan ni Maraiah ang mukha ni Teo gamit ang kamay nyang punong puno ng dugo.







"Maraiah..." naiyak na tawag ni Teo sakanya.







"Teo...Hanggang sa muli." iyon ang huling salita ni Maraiah at nagpikit na ito ng mga mata. Naalis narin ang kamay nyang nakahawak sa mga pisngi ni Ginoong Teo.







Wala na si Maraiah.








"Mahal kita, Maraiah" Naiyak na sabi ni Ginoong Teo. Pumapatak ang mga luha nya sa mukha ng dalaga.






"Maraiah... ipinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko. Muli kitang hahanapin sa ating pagkabuhay. Antayin mo ako, mahal ko" pagsumpa ni Ginoong Teo sa dalagang nasa kandungan nya.






"Ikaw ang aking una't huli, ikaw ngayon at dati. Ikaw sa umaga hanggang gabi, ikaw lamang ang isisigaw parati... Maraiah"







Pagkatapos noon ay umalingawngaw sa hatinggabi ang putok ng baril. Dumeretso ng tarak iyon sa puso ni Ginoong Teo.







Bumagsak ang mukha ni Ginoong teo sa mukha ni Maraiah. Naglapat ang kanilang mga labi. Wala nang gumagalaw.







Wala ng humihinga.

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now