PEBRERO 26,1876

321 19 0
                                    

[ THIRD PERSON ]




"Psst! Maraiah gising!!"





naalimpungatan sa pagtulog si Maraiah nang marinig nya ang boses ng pinsan nyang si Binibining Juanita. Iminulat niya ang mga mata nya at nakita nya si Juanita na nakaupo sa kama.





"Bakit Juanita? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Maraiah sa pinsan at umupo rin siya sa kama.





"Oo Maraiah! nasa labas nang mansyon ang iyong kapal-itan ng liham na si Ginoong Juan Timoteo! Bilisan mo at iyong babain bago pa dumating ang iyong ama mula sa Bayan!" natatarantang sabi ni Juanita.





Nanlaki ang mata ni Binibining Maraiah at hindi makapaniwalang tinignan si Juanita.







"Juanita! umagang umaga ako agad ay iyong binibiro" hindi naniniwalang sambit ni Maraiah sa pinsan. Minsan na kasi siya nitong biniro na nandirito si Ginoong Teo sa mansion nila ngunit wala naman pala.






"Maraiah! totoo na ito! tignan mo sa iyong bintana at naroon sya sa labas!" sabi ni Juanita.






Hindi pa rin naniniwala si Maraiah ngunit dinungaw nya parin ang bintana nya. Nanlaki ang mata nya nang makita si Ginoong Teo sa baba ng bintana nya at tinatanaw sya mula sa baba. Nagtama ang mga paningin nila. Agad naman syang umalis sa bintana.






Bagong gising pa lamang sya at wala pa syang kasuklay suklay. Nahihiya tuloy sya sa Ginoo at nakita pa sya nitong walang ka ayos ayos.






"Juanita!! Sus ginoo!! Nasa baba nga si Ginoong Teo!!" natatarantang wika ni Maraiah. Mabilis siyang nag ayos ng sarili at naghilamos.






"Maraiah bilisan mo at baka dumating si Don Felizco! Bumaba ka na agad at dalhin mo sya sa tabing-isla! ako na ang bahalang magpalusot sa ama mo!" sabi ni Juanita.






"Daghang salamat Juanita! Ika'y tunay na maasahan! Salamat!" bilis bilis na sabi ni Maraiah at agad na bumaba.






Binagalan nya ang lakad ng malapit na sya sa ginoo. Hinawakan nya ang buhok nyang nakaipit at presentable. Habang lumalapit sya sa ginoo ay hindi nya mapigilang mapangiti.






"Magandang Umaga aking sinta" nakangiting bati ni Ginoong Teo sa kanya. Mas lalo itong kumisig magmula nang makita nya ito noong nakaraang taon. Parang kinikiliti ang puso nya nang marinig nyang tinawag sya ng ginoo na sinta.





"M-Magandang umaga... Ginoong Teo" nahihiya nyang bati. Napalunok pa sya ng ilang beses at nag iwas sya ng tingin.





"Huwag kang mahiya saakin binibini, lalo lamang akong nahuhulog sa iyo" nakangiting sambit ni Ginoong Teo.






Nanlaki naman ang mata nya at itinapat ang daliri sa labi niya. "Shh! Huwag mong lakasan at baka may makarinig sayo.." tumingin sa paligid si Maraiah at saka hinila sa damit si Teo.
"Halika ginoo, may daan rito sa likod papuntang tabing-isla..." sabi nya.





Nakangiti lang si Teo habang hinihila sya ni Maraiah. "May kapusukan ka rin palang tinataglay binibining Maraiah.." nakangiting puna ni Teo sa kanya.






Agad naman syang napatigil sa paglalakad at saka tinignan ang kamay nyang nakahawak sa damit ni Teo. Agad nya iyong binitawan at tumungo.






"P-Pagpasensyahan mo ako G-Ginoo... ako lamang ay kinabahan sapagkat baka maabutan tayo ng aking ama"  paumanhin nya.







"Ayos lang binibini, hawakan mo ako kung kailan mo nais sapagkat inaalay ko sayo ang puso ko kasama na ang katawan at isip ko... saiyong saiyo ako aking sinta" nakangiting sabi ni Teo.






Agad namang namula si Maraiah sa sinambit ng ginoo. "Tunay nga't hindi ka lang sa liham magaling Ginoo, kahit sa personal ay ako iyong nabibihag sa matatamis mong salita... nakakamangha"






Mas lalong napangiti si Ginoong Teo. Nang marating nila ang Tabing-isla ay naupo muna sila sa ilalim ng puno. Tinatanaw nila ang karagatang napakaaliwalas tignan.






"Natanggap mo ba ang aking huling liham saiyo, binibini?" biglang tanong ni Ginoong Teo kay Maraiah. 






"Oo natanggap ko ginoo ngunit pagpasensyahan mo na at hindi ko pa iyon nababasa. Itinatago ko kasi iyon kay ama" malungkot na ngumiti si Maraiah.






"Sa iyong tingin, ibibigay ba saakin ng iyong ama ang pahintulot nyang ako nalang ang iyong pakasalan? nais kong hingin ang iyong kamay kay Don Felizco" hustesyon ni Ginoong Teo at tumingin kay Maraiah.






Napabuntong hininga naman si Maraiah. "Hindi ko alam Ginoo, ngunit ang aking ama ay desidido nang ipakasal ako kay Ginoong Danilio na taga San Felizidad. Ngayon ay inaayos na nila ang mga kailangan para sa kasal, Ginoo, wala akong magawa..."





Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Lalong namumula si Maraiah tuwing nakikita nya ang perpektong mukha ni Ginoong Teo.







"Maraiah.... hindi kita kayang isuko sa iba, lalo na ngayon na nasa aking harapan ka na, binibini, pagpasensyahan mo ako kung ipaglalaban kita sa iyong ama. Hindi ko lamang kayang mawala ka" malungkot na sabi ni Teo at hinawakan ang kamay ng dalaga at hinalikan iyon. 





"Ako rin Ginoo, nais ko ring makasama ka... habang buhay"

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now