KABANATA IX

313 25 4
                                    

[ G A L I L E E ]



"Teo... hindi tayo pwede! ipapapatay ka ni Ama kapag nalaman nya!" kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yon.





Nasa isang madilim na parte kami ng kagubatan at kasama ko nanaman si Teo. Magkahawak kamay kami at tinitignan nya ako.






"Maraiah... mas nanaisin kong mapaslang kaysa mawala ka sa akin... mahal na mahal kita Maraiah parang awa mo na... ipaglaban mo ako, ipaglaban mo ang tayo..." hinigpitan ni Teo ang hawak nya sa kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya... o kung anong pinag uusapan namin. Anong ipaglalaban? saan?





"Ginoong Teo..." nagulat ako nang magsalita ako ng kusa at saka tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko macontrol ang sarili ko!
"... Pumapayag na ako, halika, itanan mo ako... ilayo mo ako at magsama tayo habangbuhay.."





Gusto kong magulat sa mga sinasabi ko pero hindi ko magawang gumawa nang kahit anong reaksyon! hindi ko masabi kung anong gusto ko! para lang akong puppet na ginagalaw nang kung sino!







At kami ni Teo? Asan kami?! anong magtatanan?! wala akong maintindihan! Si Teo nakasuot na ulit nang pang makalumang damit at ako naman ay naka baro't saya! ghad! What the heck!?








Biglang yumakap sakin si Teo ng mahigpit. "Maraming salamat Mahal, ipinapangako kong ikaw na ang mamahalin ko habang buhay, mahal kita Maraiah Fatimah De Luna.." 







Teo leaned... oh no! hahalikan ako ni Teo?!








—-






"Wag!" sigaw ko. Napamulat ako agad. Nanlalaki ang mata ko nang mapaupo ako sa Kama. My breathing was fast and heavy. Shit!






Nakarinig ako ng katok sa pinto ko. "Binibini!! Ayos ka lang ba diyan sa loob?!" narinig kong boses ni Teo.






Napakamot ako ng ulo saka kumuha ng tissue sa nighstand. Pinunasan ko yung mga luha sa cheeks ko.







"Oo Teo ayos lang ako!" sagot ko bago ako tumayo.






Alas sais na pala ng gabi! gosh sabi ko iidlip lang ako ng konti eh! 






The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now