MARSO 05,1876

274 12 0
                                    

[ THIRD PERSON ]

Pag kagising si Binibining Maraiah ay napangiti agad sya. Magkikita nanaman ulit kasi sila ng nobyo nyang si Ginoong Teo. Habang inaayos nya ang higaan ay may nahulog na puting sobre mula sa punda ng kaniyang unan. Ito pala ang huling liham ni Ginoong Teo sa kaniya.

Agad syang napangiti at kinuha ang liham ni Ginoong Teo para sa kaniya at naupo sya sa kama. Binuksan nya iyon at binuklat ang nakatuping papel. 

Napangiti sya nang maamoy nya ang magkasamang amoy ng tinta at papel. Nagsimula siyang basahin iyon...


January 30,1876

Binibining Maraiah,

        Kung sakaling matanggap mo ang liham na ito ay malamang nakasakay na ako ng barko pauwi sa Pilipinas. Hindi ko maatim na isuko ka at hayaang ikasal sa iba. Binibining Maraiah, ikakamatay ko ata kung ikaw ay mawawala. Ipaglalaban kita sa iyong ama, itatanan kita binibini.

       Kakalabanin ko ang lahat, makuha ka lamang. Sana'y mawatasa mo ako, mutya ko. Ang luhog ko sa Panginoon ay kaingatan mo muna ang sarili mo ngayon... Ako'y iyong hintayin.

      Hindi ko maatim na magpakasal ka sa iba at hindi sa akin, ano pa ang halaga ng ating suyuan? kung sa ibang kandungan ka mananahan?

      Nangangako akong ika'y ipaglalaban kahit sa kamatayan ay hindi kita iiwan. Binibini ikaw ang aking nais, makapiling ka habang buhay at maging ina nang aking mga anak. Maraiah, ako ay isang ginoong may paninindigan, ipaglalaban kita kahit kanino man. Kaya't pakiusap huwag mong sukuan ang ating pag iibigan, dahil handa akong mamatay, makasama ka lamang.

Lubos na nalulumbay,
Juan Timoteo Crisostomo

Agad na napakunot ng kaniyang noo si Binibining Maraiah. Itatanan sya ng ginoo? ngunit isa iyong mapangahas na gawain!

"Diyos Ginoo! maari lamang siyang mamatay kung sakaling mahuli kami ni ama!" gulat nyang sabi. Natatakot sya para sa nobyo. Isang kilalang malupit na Don ang kaniyang ama. Marami itong katiwaling mga armadong sundalo mula pa sa España!

Agad nyang naitago sa ilalim ng unan nya ang Liham ng magbukas ang pintuan ng kaniyang silid. Napahinga sya ng maluwag nang si Binibining Juanita lamang ang pumasok roon.

"Bilisan mo ang pag aayos Maraiah! Nasa baba na ang ginoong iyong inaantay!!" nagagalak na sambit ni Juanita. Agad naman napangiti si Maraiah at mabilis na nag ayos ng sarili. 

Wala ang ama nya ngayon dahil naroon ito sa lungsod ng Maynila upang makipag kalakal. Agad nya iyong sinabi sa ginoo kung kaya't napag usapan nilang ngayon sila muling magkita.

Nang makababa sya ay agad nyang natanaw si Ginoong Teo sa labas ng kanilang mansyon. Agad nya iyong nilabas at nagpaalam siya kay Binibining Juanita.     

Mabilis siyang lumakad papalapit sa ginoo. "M-Magandang umaga Ginoo" nahihiya nyang sambit.

Ngumiti naman ang ginoo. "Magandang Umaga sinta... halika sa may kakahuyan nalamang ulit tayo upang walang bantay..." nakangiting aya sakaniya ng Ginoo.

Agad rin naman siyang pumayag at tinahak nila ang kakahuyan. Malakas ang simoy nang hangin rito at may malalagong puno. May mga manok na nagsisitakbuhan at mga ibon na naghuhunihan.

Inilatag muna ni Ginoong Teo ang dala dala nitong tela bago paupuin ang dalaga.

"Salamat Ginoo... maari naman akong umupo sa lupa..." nahihiyang sabi ni Maraiah.

"Ayos lamang iyon mahal... nais kong pagsilbihan ka na parang aking reyna.." nakangiting sambit ni Teo at saka hinawakan ang kamay ni Maraiah at hinalikan ang likod niyon. 

Agad namang namula si Maraiah. Nang biglang may maalala sya...

"Ginoo... nabasa ko na ang iyong huling liham saakin... h-hindi mo dapat sinabi na ako'y iyong itatanan sapagkat isa iyong mapangahas na gawain" tumungo si Maraiah.

"Ngunit binibini... ayon na lang ang aking tanging naiisip na paraan upang ika'y aking makapiling habang buhay.." sabi ni Ginoong Teo.

Napatayo naman si Maraiah sa pagkakaupo. Biglang dumilim ang kanilang lugar na kinakalagyan. Marahil ay baka nagbabadyang umulan.  Napatayo si Ginoong Teo at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Teo... hindi tayo pwede! ipapapatay ka ni Ama kapag nalaman nya!" nag aalalang sabi ni Maraiah sa ginoo.

"Maraiah... mas nanaisin kong mapaslang kaysa mawala ka sa akin... mahal na mahal kita Maraiah parang awa mo na... ipaglaban mo ako, ipaglaban mo ang tayo..." hinigpitan ni Teo ang hawak nya sa kamay ni Maraiah.



"Ginoong Teo..." tumulo ang mga luha ni Maraiah. Tunay na nag aalala sya para sa ginoo na nasa kanyang harapan.
"... Pumapayag na ako, halika, itanan mo ako... ilayo mo ako at magsama tayo habangbuhay.." pagpayag nya sa nais ng ginoo.




Biglang yumakap si Ginoong Teo kay Maraiah ng mahigpit. "Maraming salamat Mahal, ipinapangako kong ikaw na ang mamahalin ko habang buhay, mahal kita Maraiah Fatimah De Luna.."





Napangiti si Maraiah sa sinambit ng ginoo. Unti unti... lumapit ang mukha ni Ginoong Teo. Akala ni Maraiah ay hahalikan sya ng binata ngunit nagulat sya ng sa noo nya lumapat ang mga labi ni Teo.






Napangiti sya. Tunay na napaka galang ng ginoo. Patunay ito na iginagalang sya nito ng buong puso.






"Salamat Ginoong Teo..." sambit nya.






"Walang anuman mahal, gagawin ko ang lahat makasama ka lamang..." ngumiti si Ginoong Teo at binitiwan ang dalawang kamay nya. "....itatanan kita sa gabi pagkalipas ng isang araw mula ngayon... aantayin kita rito binibini... maghihintay ako hanggang sa dumating ka..." sambit ni Teo.






Napalunok naman si Maraiah... "Ngunit papaano kung mahuli tayo?" kinakabahang tanong ni Maraiah.







Hinawakan ni Teo ang isang pisngi ni Maraiah. "Huwag kang mangamba, mahal... itatakas kita... ilalayo kita rito, at magkakasama tayo. Sa ngayon ay ihahatid muna kita sa inyong mansyon sapagkat nagbabadya nang umulan ang kalangitan... halika na binibini" pag aya ni Teo.





Napangiti naman si Maraiah. "Salamat, Ginoong Teo.."

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt