KABANATA IV

386 25 3
                                    

[ G A L I L E E ]

"Ma'am paki permahan nalang po dito.." turo ni kuyang nagdedeliver sa papel.  "Saka po ma'am pwede po pa autograph? idol ka ho kasi ng misis ko" sabi ni kuya saka inilabas yung walet nya at may kinuha sya doong picture ko.

Napangiti naman ako. "Sige ho manong, ano ho bang pangalan ng misis nyo?" tanong ko saka kinuha yung picture ko at yung ballpen.

"Valencia po Ma'am Galilee" nakangiting sagot ni kuya. Tumango naman ako saka pinirmahan yung picture ko saka nilagay ko yung name ng misis ni kuya.

"Here po... Thank you po sa pagdeliver" nakangiti kong sabi. Nang makaalis si Kuyang nagdedeliver ay sinara ko agad ang pinto at nilagay sa sofa yung mga inorder kong damit ni Teo.

"Ano iyang mga yan, mahal?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Teo sa likod ko. Aatakihin ako sa puso sa lalaking toh!

"Wag ka ngang nanggugulat jan! mga damit mo toh..." sabi ko saka binuksan ko yung box. Magaganda yung mga damit na pinili ko sakanya at pasalamat sya dahil branded lahat toh!


"Maraming salamat Maraiah... ang gaganda nang mga damit na iyan" sabi nya habang tinitignan yung laman ng box. 

"Sabihin mo salamat Galilee! hindi Maraiah okay?" pag tatama ko at saka ko inilabas sa kahon yung mga damit.

Limang pares yon ng shorts at Damit at may inorder akong ten pieces na briefs na medium size. Meron rin akong biniling men sized na sapatos at  flip flops.

Nanonood lang sakin si Teo habang nilalabas ko yung mga damit nya.

"Wag kang tumingin, simulan mo nang sukatin yung mga damit bilis!" sabi ko. tumayo ako at saka hinila ang laylayan ng damit nya pero pinigilan nya ang kamay ko.

"Ano sa tingin mo ang iyong gagawin binibini?" gulat na sabi nya saka nanlalaki ang mata na tumingin sakin.

"Huhubadan ka...bilis na!" sabi ko saka hinila ko ulit yung laylayan ng damit nya pataas.

"Hindi maari binibining Maraiah, Sa ibang kwarto ko nalamang ito isusukat." sabi nya. Napakunot naman ang noo ko.

"Mag huhubad ka ngayon at isusukat toh o ako mismo ang maghuhubad sayo Teo.." pagbabanta ko sa kanya saka ako lumayo ng kaunti.



"Binibini hindi maari—"



"Isa..." tumingin ako sa kanya ng matalim.

"Maraiah hindi nga sabi! tigilan mo ang pagiging mapusok!"

"....dalawa.... Pag ako nag tatlo Teo sinasabi ko talaga sayo...ako maghuhubad sayo" pagbabanta ko.

Nakita kong natataranta na sya saka nakakuyumos narin ang mukha nya.


"Tat—"  hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng bigla syang maghubad sa harap ko. "Fuckshit! nag g-gym ka ba?!" tanong ko nang makita kong may six pack abs sya saka may V-line.

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now