KABANATA XII

319 20 0
                                    

[ G A L I L E E ]



"Masakit ba?" tanong ko kay Teo. Ginagamot ko kasi yung mga sugat nya sa paa ngayon.





"Hindi naman masyado, mahal" ngumiti sya pero kita ko parin yung lungkot nya. I sighed. Pinagpatuloy ko nalang ang panggagamot sa paa nya.





"Bakit ka ba kasi lumapit sakin... ayan tuloy ang dami mong sugat, dapat alagaan mo rin ang sarili mo Teo" paalala ko sa kanya.






"Sige mahal, iingatan ko ang sarili ko kung iyan ang iyong nais..." rinig kong sabi nya.






"Dapat lang..." I said. Nang matapos kong bendahan ang paa nya ay tumayo nako at ibinalik ang mga gamot sa lagayan. Pagkabalik ko sa sala ay tumabi ako agad kay Teo at yumakap sa kanya.





"Napapadalas na ang iyong pag yakap sa akin binibini, para kang isang maamong tuta at ako ang iyong amo" napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi nya. Napasimangot ako at iaalis ko na sana ang yakap ko ng hilahin nyako pabalik.




"Huwag kang umalis mahal, gusto ko ang iyong paraan ng paglalambing saakin..." he said and kissed my hair. "Binibini...."







Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya ako. "hmm??"

Sinuklay nya ang buhok ko gamit ang mga daliri nya. "May hihilingin lamang ako sayo...."

Napakunot ang noo ko. "Ano po yon?" I asked.   






"Maari mo ba akong dalhin sa himlayan ng iyong kakambal? nais ko syang makita..." he said.

Agad naman akong nagtaka. "okay sige..." ngumiti ako saka bumitaw ng yakap. "...pero may kapalit po" nakangiti kong sabi.






Napakunot naman ang noo nya. "Ano ang kapalit, mahal?" he asked.






"Kiss... halikan mo muna ako hehe" sabi ko. Agad naman syang napangiti at saka pinisil ang isang pisngi ko. 






"Ikaw talaga binibini.... napaka mapusok" sabi nya.






"hmmm bilis na po" sabi ko habang nakanguso.





"Masusunod, aking sinta" nakangiti nya sabi saka nilapit ang labi nya sa labi ko. Mga ilang segundo lang nagtagal yon at pinaglayo nya na ang labi namin saka hinimas ang pisngi ko. "...mahal na mahal kita" he said.   







Napangiti naman ako. "Ako din Teo...mahal din kita" I said. "Tara na ngayon... maaga pa naman, tatlong oras pa ang byahe papuntang Laguna kung saan nakalibing si Isha..." tumayo ako at hinila si Teo.







Pagkatapos naming mag bihis ay agad na rin kaming umalis. Kinuha ko na rin ang susi ng gate ng libingan ni Galisha. Naka private kasi yon at maari kaming dumalaw kung kailan namin gusto.






The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now