𝑳𝒊𝒉𝒂𝒎 ⸙ Agosto 17,1875

436 24 0
                                    

Madrid,Spain August 17,1875

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Madrid,Spain
August 17,1875

Binibining Maraiah,

Magandang Araw aking sinisinta,
Kamusta ang iyong pakiramdam?
Nakikiusap ako na huwag mong abusuhin ang iyong kalakasan. Huwag kang magpagod o magpuyat sa hating gabi.

Nakikiusap akong huwag mong isang tabi o kalimutan ang iyong kalusugan. Nasasabik na akong muling masilayan ang iyong mga ngiti. Kahit na ako'y narito at ikaw ay nariyan, tanging laman ng puso't isip ko ay ikaw aking sinisintang binibini.

Pagpasensyahan mo na ako sa madalas na pagpapadala sa iyo ng mga liham. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko para sayo, Binibing Maraiah, at hindi ako magsasawang mag hintay nang iyong tugon sa aking mga liham.

Milya milya man ang layo natin sa isa't isa ay hindi ka parin maalis sa aking isipan. Hanggang dito na lamang muna, aking sinisinta... Ingatan mo palagi ang iyong sarili.

Umaasang wagas,
J.T.C

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now