KABANATA XI

270 18 3
                                    

[ G A L I L E E ]





Nakita kong namutla ang buong mukha ni Teo. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ganyan ang reaksyon  nya nung sinabi kong may kakambal ako.







     Si Galisha, she's shy and gentle. Mula bata pa kami ay mahinhin na sya at hindi talaga kami magkatulad ng ugali kahit na magkamukhang magkamukha kami. Favorite sya ni Mommy at lagi silang magkasama sa pananahi, paggaganchilyo, pagluluto o sa kung ano mang mga gawaing pang babae. Ako naman ay malapit ako kay Kuya Leo at dad. I like adventures, I like fun! Hindi ako mahiyain katulad ni Galisha... makapal ang mukha ko ika nga nila. I'm strong and brave. But that's not mean I'm bad and a bitch. I love my family, I treasure them more than my life. Kaya nung namatay si Galisha na kakambal ko ay para nang namatay ang kalahati ko....







I have a heart problem that time, inaatake ako ng heart attack ko, madaling araw na non at kailangan akong madala agad sa ospital. Kami lang ni Galisha ang naiwan sa bahay dahil wala si kuya, at daddy dahil pareho silang nasa trabaho... ang Mommy naman namin ay namatay nung 15 years old kami. Dahil nagpapanic si Galisha, sya na ang naglakas loob na mag drive para madala nya ako sa ospital. Kaya nya naman magdrive sa pagkakaalam ko. Kaya mabilis kami non sumakay nang kotse. Mabilis ang pagpapatakbo nya dahil siguro ay natataranta sya. And a minute later, may kasalubong na pala kaming wheeler truck. Parang nagslowmo ang oras nang mga oras nayon.








Galisha hug me... "I will protect you now Maiah.... ako na ngayon." yun ang mga huling salitang sinabi nya bago sya nawala.








Pagkagising ko sa ospital ay nasa harap ko na si Daddy at Kuya Leo. Hindi sila nagsasalita at namamaga ang mga mata nila.







Tinanong ko sila kung anong nangyari, bakit buhay pa'ko, asan si Galisha... biglang umiyak si Kuya at saka ako niyakap. That time, I'm so sure something bad happened. I won't see my twin alive anymore. She gave her heart to me. Ang huling sabi daw ni Galisha habang dinadala sya sa ospital ay ibigay saakin ang puso nya. She donated her heart and saved me. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nya... Hindi sya mawawala kung hindi ako inatake nang peste kong sakit! Sana ay ako nalang ang nawala!







She was just 18 for fuck sake! She doesn't deserve to die! She's worth living! Ako dapat ang nawala eh! Pero wala na, nangyari na... she left us. Binigay nya ang puso at buhay nya sakin. Kaya ngayon ay pinapahalagahan ko ito ng sobra. Hindi ko hinahayaang masaktan ang puso ni Galisha kung maari. I just played and flirt. I avoided to love. I avoided them. Anything that can hurt my heart. Until Teo came, he easily opened my heart. Mabilis syang nakapasok at nawasak ang itinayo kong malaking pader sa puso namin ni Galisha.







Simula bata pa lang kami ng kakambal ko, lagi syang may sinasabi tungkol sa isang lalaki. Nanaginip raw sya ng mga kakaibang bagay at lugar, kakaibang pangyayari at panahon. She's been very unusual. Tulad ng nararanasan ko ngayon, mula nang malipat ang puso sakin ni Galisha ay palagi nakong nanaginip pero ang kaibahan nga lang ay hindi ko natatandaan... hindi tulad ni Galisha na natatandaan nya lahat at isinusulat nya pa.







Nakatingin ako kay Teo na ngayo'y namumutla na. "Huy Teo ayos ka lang?" I asked.







He looked at me with his tearful eyes.
"G-Galisha? binibini asan sya?" tanong ni Teo.








The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now