S I M U L A

1.3K 41 0
                                    

𝐓𝐡𝐞 𝐌𝐚𝐧 𝐈 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐝 𝐟𝐫𝐨𝐦 1876
©CalypsoCleo

--

𝑮𝒂𝒍𝒊𝒍𝒆𝒆

"Binibining Maraiah..."

Nakita ko ang isang lalaki sa harap ko na nakasuot ng pang makalumang damit. Sya rin ang nakita ko sa nakaraan kong panaginip!  

"Maraiah..." humakbang sya papalapit saakin at inilahad nya ang kamay nya. Agad na kumunot ang noo ko. Pinapahawak nya ba ako jan?

"Teo... hanggang sa muli" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yon at saka biglang tumaas ang kamay ko at inabot ang kamay nung lalaki.

"Mahal kita, Maraiah"

Napabangon ako agad ng maramdaman kong nahulog ako sa matigas na sahig.

"F*ckshit!!" I shouted. Napahawak ako sa balakang ko na napatama sa gilid ng night stand sa tabi ng kama ko. 

"Pucha naman oh!" unti unti akong tumayo hanggang sa mawala yung sakit. Lagi nalang ako na huhulog sa pesteng kama ko!

"Feeling ko mas bagay ako matulog sa crib" wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa king sized kong kama dito sa condo ko.  Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Alas sais palang ng umaga for fvck sake!

Graduate nanaman ako sa pag aaral kaya di ko kailangang gumising ng ganto kaaga! Pero di rin naman na ako makakatulog kung hihiga ulit ako.

Napabuga nalang ako ng hininga at saka dumeretso sa cr para magtoothbrush. 

Pagkatapos noon ay naghanda narin ako ng breakfast ko. Strawberries and milk. Ganto lang ang kinakain ko sa umaga dahil kailangan kong imentain ang timbang ko. Isa akong model at part-time celebrity. You can see me at billboards and tarpaulin out there. Even in the packaging of the products I endorsed.

Habang nakaupo ako at kumakain ay di ko maiwasang isipin kung ano ang napanaginipan ko. Ganto ako lagi, kahit anong pilit kong tandaan ang napapanaginipan ko ay ilang sigundo lang ay nakakalimutan ko agad yon. Nakakairita dahil natatandaan ko naman yun pag nasa panaginip nako pero pag sa oras na magising ako ay boom! wala na di ko na maalala!!

Napatigil ako sa pagsubo ng strawberry na hawak ko ng tumunog ang phone ko sa lamesa. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ng manager ko sa screen. Agad kong pinindot yung accept button  at loud speaker. 

"Why?" tanong ko pagkatapos ay isinubo ko na ang hawak kong strawberry.

[Galilee ngayon yung schedule mo sa psychiatrist mo... are you going or ipapareschedule ko nalang?] Ate Kayla, my manager said on the other line. 

Oo nga pala saturday ngayon, I have to see my doctor. Well, I'm diagnosed in anxiety due to the stress and overthinking. Isa na sa mga dahilan non ang pag-iisip sa mga panaginip ko. Simula eighteen years old pa lang ako ay may psychiatrist na ako. My dad said it will help me to be normal and relieve from stress. It's really quite helpful for me for how many long years.   

Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago ako sumagot. "Oo ate Kay... pupunta ako sabihin mo" i said. 

[Okay... and about the shoot this monday, nag adjust sila ng time. They moved it to nine am]

"Ahh sige sige noted" I said then I pressed the end call button. Sinubo ko yung huling strawberry sa mangkok at saka ininom yung natitirang gatas sa baso ko bago ko nilagay sa sink.

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now