𝑳𝒊𝒉𝒂𝒎 ⸙ Nobyembre 28,1875

272 21 0
                                    

Madrid, Spain November 28,1875

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Madrid, Spain
November 28,1875

Binibining Maraiah,

Magandang binibining aking sinisinta, Maraiah. Hindi ka nakatugon sa akin ipinadalang liham noong nakaraang buwan. Nag hintay ako nang ilang araw, linggo hanggang buwan ngunit ika'y hindi sumasagot sa aking mga liham.

Maaari ko bang malaman ang iyong pinagdaraanan binibini? Ako'y lubos na nalulumbay sapagkat ika'y walang ni pasabi. Alam kong hindi ako nararapat na magtampo sayo binibini sapagkat wala pa namang matatawag na 'tayo'.

Ang nais ko lang ay malaman ang kalagayan mo, kung ano ang iyong pakiramdam at kung ano ang iyong dinadalang problema. Kumakain ka ba ng sapat binibini? ikaw ba ay nakakatulog nang maayos pagsapit ng hating gabi? Binibini, ikaw lamang ang laman ng isip araw-araw, gabi-gabi.

Hinihiling ko sa panginoon ang iyong kaligtasan at kasayahan. Sa ngayon ay nag aaral ako nang mabuti sa pag aabogasya upang pagbalik ko sa Pilipinas ay may maipagmamalaki na ako sayo, sinta.


Lubos na Nababahala,
Juan Timoteo Crisostomo

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Where stories live. Discover now