Ibinaba naman ni Alexander ang hawak niyang kalendaryo at tinignan sina Shiella at Jacob.

"Sige. Maiwan mo muna kami. Salamat"

Agad namang yumuko ang kasambahay kay Alex bago tuluyang umalis.

Sinenyasan naman ni Alex sina Shiella at Jacob na umupo sa katapat nitong sofa. Agad din namang sumunod ang dalawa at umupo ng mag katabi.

"Bakit kayo napadalaw?"tanong agad ni Alexander.

"Soon-to-be fiancé ko si Jacob Chairman. At gusto naming humiling na sana ay ipawalang bisa niyo ang batas na ipinatupad niyo saaming dalawa ni Jacob."deretsyahang sagot ni Shiella. Alam ni Shiella na ayaw ni Alexander ang mga paligoy ligoy na usapan. Gusto niya ng deretsyahang sagot.

Napangiti ng si Alexander dahil sa agarang sagot ni Shiella. Natutuwa siya dahil naging tapat at walang paligoy ligoy ang kaniyang sagot.

"Anong totoong dahilan? Hmm?"tanong ni Alexander.

Alam ni Alexander na hindi tunay. Lingid sa kaalaman niya hindi basta basta mag papatali si Shiella sa kakikiala niya lang ng madaling panahon. Alam niyang hindi mag papatali si Shiella ng ganitong kabata. Kaya una palang alam na niyang merong plinaplano ang dalawa at alam niyang may dahilan ito.

"Si Jacob at ang kaniyang ina ay nag kasundong kapag merong ipinakilala si Jacob na Girlfiend niya at soon-to-be fiancé hindi na niya ito ipapakasal sa napili nila Chairman. Hindi alam ni Jacob na ngayon na ang huling araw ng kasunduan nila. Kaya nag sinungaling si Jacob sa kaniyang ina at sa kamalas malasan nasabi ako ni Jacob na ako ang Girlfriend niya at soon-to-be fiancé niya" napaikot nalang si Shiella dahil sa mga sinasabi niya.

'Mag sisinungaling na nga, mag gusot pa'sabi nito sa kaniyang isip.

"Hay buti nalang pumayag si Chairman. Kinabahan ako don"nakahinga ng maliwag si Jacpb ng tuluyan na silang makalabas sa bahay ng kanilang Chairman.

Pumuyag ang Chairman sa hiling ng dalawa dahil may sapat silang rason para payagan ngunit may isang kondisyon ang Chairman.

'Papayagan ko kayo sa hiling niyo, pero sa isang kondisyon. Ipangako niyo saakin na kahit kailan ay hinding hindi mahuhulog ang loob niyo sa isa't isa... Ipangako niyo saakin na ang pagpapanggap niyo ay isa lamang responsabilidad na kailangan niyong panindigan ngunit wala itong halong malisya o pag-mamahal. Ipangako niyo saakin iyon kapalit ang pag payag ko sa inyong kahilingan'

'Pangako'

"Wala ka ngang nai-ambag sa usapan"sabi naman ni Shiella.

Kumunot ang noo ni Jacob habang naka harap kay Shiella. "Meron kaya, nag salita din ako"depensa nito.

"Nagsalita ka nga pero anong sinabi mo? 'Pangako'? Tch"pumasok na si Shiella sa loob ng sasakyan ng hindi linilingon si Jacob na ngayon ay nakatunganga.

"Aba, loko 'yon ha"dali dali ding pumasok si Jacob sa driver seat.

"Siguradohin mong hindi mahuhulog ang loob mo saakin dahil kahit kailan hinding hindi kita sasalohin"seryoso ang pagkakasabi ni Shiella sa mga katagang iyon habang naka tingin sa harapan.

"Tch! Sinisigurado ko sayong hinding hindi 'yon mangyayari. Ako? Mag kakagusto sayo? Tch impossible...Hinding hinding mahuhulog ang loob ko sayo... itaga mo sa bato"kumpansyang sagot nito.

Napairap nalang si Shiella dahil ang lakas ng loob na mag bitaw ng salita si Jacob na parang sigurado sa mga sinasabi niya.

"Dami kong kuda. Paandarin mo na"

"Cassi, sigurado kaba sa gagawin mo? Hindi ba't masyadong delekado ang plano mo?"nag aalalang tanong ni Cavin sa kaniyang kapatid.

Nasa bahay siya ngayon ng kaniyang kapatid dahil tinawagan ni Cassi si Cavin dahil may sasabihin daw ito sa kaniya. Ngunit ng nasabi na ni Cassi ang gusto niyang sabihin bigla nalang nangamba si Cavin sa mga pwedeng mangyare sa habang na gagawin nito.

"Ito lang ang paraang alam ko Kuya"sabi nito habang nakatingin mismo sa mga mata ni Cavin.

"Pero masyado pang maaga. Isang linggo palang ang nakakalipas bago ka dumating dito. Atska paano si Dad? Alam niya ba ang plano mo?"tanong parin nito.
Hindi maitago ni Cavin ang pag-aalala niya sa kaniyang kapatid lalo na't masyadong delikado ang kaniyang gagawin. Masyado pang maaga para doon. Kaya labis na nangangamba si Cavin para sa kapatid niya.

"Alam na ni Dad at ni Master-nim ang plano ko. Kumunsulta muna ako sa kanilang dalawa bago ko sinabi sayo. At payag sila sa gagawin ko, ikaw nalang ang hindi Kuya"may-padiin ang pagkakasabi ni Cassi sa huling linyang kaniyang binitawan.

Napabuntong hininga nalang si Cavin dahil sa katigasan ng ulo ng kaniyang kapatid. Wala na siyanng magagawa kondi pumayag lalot pa't pumayag na pala ang dalawang Chairman.

"Sige na pumapayag na ako, pero siguradohin mo lang na hindi ka mapapahamak sa gagawin mo"

"Andito na tayo"sabi ni Jacob kay Shiella. Ang tinutukoy niya ay naroon na sila sa bahay nila. Dahil oras na ng pag-papalilala kay Shiella sa mga magulang niya.

Mababasa mo sa mukha ni Jacob ang kaba, at pag aalinlang para sa gagawin nilang ito. Alam niyang masasaktan ng husto ang kaniyang magulang at kapatid kapag nalaman ang totoo.

"Shiella sigurado kana ba?"nag-aalalang tanong nito.

"Andito na nga tayo,ngayon kapa aatras? Sabihin mo nga,naduduwag kana ba"maangas na sagot nito.
Agad na bumaba si Shiella sa sasakyan kaya bumaba na'din Jacob.

Pero bago sila pumasok ay hinawakan agad ni Jacob ang kamay ni Shiella para pigilan ito sa paglalakad. Nag takang tumingin si Shiella kay Jacob.

"Isuot mo 'to"agad niyang kinuha ang isang maliit na box na kulay pula sa kaniya bulsa. Binuksan niya ito at bumungad kay Shiella ang isang sing-sing na may diamante sa gitna. Simple lang ang desenyo ngunit elegante kong tignan.

"Para saan?"naguguluhang tanong ni Shiella.

"Mag tataka ang mga magulang ko kong nag dala ako ng girlfriend ko at soon-to-be fiancé ng wala siyang singsing. Noon ko pa 'to nabili. Kaso ngayon ko lang nalabas. Wag kang mag alala pwede mo namang tanggalin 'to kapag wala na tayo dito sa bahay pero ngayon isuot mo muna"paliwanag nito.
Agad niyang kinuha ang kaliwang kamay ni Shiella at isunoot niya ang singsing sa palasingsingang daliri ni Shiella.

Natapos ang pag suot ng singsing ay nag ka tinginan ang dalawa at nag ngitian.

"Tara na?"pag-aaya ni Jacob. Tumango naman si Shiella bilang sagot at doon nag kasabay silang lumakad papasok sa bahay ng pamilya Mendoza.


A/N: A short update for you guys🌟💛

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now