Kabanata 35

692 25 15
                                    

This is the last chapter of The Heartbeat of Sky.

-------------------------------

Forever


"Sorry about our wedding."


"Ang mahalaga ay magpagaling ka ngayon. Don't worry about it. Darating din tayo dun." I keep on assuring him.


Dalawang linggo na kami dito sa hospital. It's my choice to stay here. Gusto kong masiguro na maayos na talaga ito bago ko siya palabasin.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam na buntis ako. I want to tell him the news pero hindi ako makahanap ng tamang pagkakataon.


He is now recovering. Wala namang naging complications sa naging operation nito. He knows what happened about me staking my job for him. Gaya ng inaasahan ko ay nagalit pa ito sa akin. But in the end, he understands. Pinagbigyan niya rin ang hiling ko na palampasin na iyon dahil ang mahalaga ay ligtas na ito.


The airlines is still investigating about what happened. Pero napatunayan din naman na dahil sa weather iyon. Masyadong maulap at may tinamaan na parte sa eroplano. This time I am the one who scold him, dahil hindi nito inisip ang kapanakan niya. Mabuti nga at nakarating pa rin ito ng runway ng airport. He is a great pilot after all.


"Sabi ni Mama naibenta na raw iyong condo ko at condo mo. Ang bahay ay nagsisimula na rin.." he said and tap the side of his bed. Agad akong naupo roon.


"Yes. The architect told me about the design you like. Nagustuhan ko din iyon kaya pumayag na ako."


Yumakap agad ito sa akin. He rested his head on my stomach.


"I can't wait to be a Daddy. Sana ay may laman na ito. We didn't use protection. Ang hina ko naman kung wala pa.." humalakhak ito at ginalaw galaw ang mukha sa tiyan ko.


"Nakikiliti ako. Pati si baby nakikiliti rin.." hinaplos ako ang buhok nito.


"What?" naguguluhan nitong tanong.


I looked at him and bit my lips. Hindi ko alam kung anong gagamitin kong salita para aminin iyon. I put his hands on my belly. Bumangon ito ay pinantayan ang mukha ko. Punong-puno ng pagtatanong at saya ang mukha nito.


"Expect it in 7 months.." nakangiti kong sabi at hinawakan ang mukha niya.


"You're.." hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nag-unahan ng pumatak ang luha sa mata nito.


Tumango ako sa bigla ako nitong niyakap. Napaangat pa ang pang-upo ko sa kama dahil sa galak ng yakap nito.


"Yes. Yes! Thank you Cleo. Thank you so much.." he don't know what to say. Nakatitig lamang ito sa tiyan ko at maingat na hinahaplos iyon. Hinalikan din nito iyon at binubulungan.


"I saw you in my dreams baby. Hinawakan mo ang kamay ko at pilit na pinababalik sa Mommy mo. It's you, isn't it? Thank you. Thank you for holding me.." he said and another moment he burst into tears again.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now