Kabanata 6

434 27 14
                                    

Confess


Maddox and I did the same routine everyday. Madalas mang pagbulungan ng mga tao sa school ay wala na rin namang nagtangka pang magtanong.


Hindi ko alam kung saan na umabot ang chismis sa aming dalawa. From what I heard, some rumors said we were dating. May ilang nagsasabi na sinagot ko na raw agad siya. But none of these are true.  We're just friends. I really like his company. That's all at ganun din naman sya. We basically make fun of each other, hindi ata natatapos ang araw na hindi namin napagtitripan ang isa't-isa. Hindi ko na rin inusisa pa ang huli nyang chat sa akin. Mabuti na lang din at hindi na sya nangulit. Pero nakita kong ginawa nyang header ang picture ko sa twitter account nya. Hindi ko na lamang pinuna dahil alam kong aasarin nya lamang ako pag nalaman nyang inistalk ko sya.


Bukas ay dadating na ang tatlo galing sa training sa Batangas. Kaya ngayon ay hindi maipinta ang mukha ni Maddox.


"Will you stop making that face? You're so ugly!", mas lalo itong sumimangot.


"Ikaw nga wala pang ginagawa sa mukha mo. Panget na," humalukipkip ito at umirap.


Pinitik ko kanyang noo. Pagkatapos ay pinangigilan ang pisnge.


"Oh talaga ba? Pero crush mo ko ah. So mahilig ka sa panget?"


"Stop it, Cleo!" mas lalo itong naasar.


Nitong mga nakaraang araw ay inaasar ko sya na crush nya ako. He always changed the topic and pretend he's pissed. When I try to talked about it again, he walked out. Kaya lagi kong ginagamit iyon pag nag-aasaran kami.


"Why? Is it true? May crush ka sakin?" ngumisi ulit ako.


Nag-aamba itong umalis kaya hinila ko ang kamay at manatili sa upo.


"Sorry na po!" nilambingan ko ang boses ko para hindi makaagaw ng pansin sa librarian.


"Damn it! You really know my weak spot! Fine. Fine." nagkamot ito ng ulo at ginulo ang magulo na nyang buhok. Pang angat ng tingin ay namumula na ang labi pati ang pisnge.


"Bakit ba ganyan ang mukha mo?"


"What do you mean? I'm not blushing!" dali dali nitong tinakpan ng palad ang kanyang mukha.


"What? No! I mean bat ka nakasimangot kanina pa."


"Well, di na kita makakasama bukas. Your true friends will be here. They will take you away from me. " nagpout pa ito.


"Ewww. Kadiri ka ha! Para kang anak na mawawalay sa mommy niya"


"Yes you're my mommy and I'm your baby" inipit pa nito ang boses para magboses bata.


Ngumisi ako. Alam na alam talaga nito kung paano ako pasasayahin. The next day parang nagdilang anghel nga ang loko. I didn't spend much time with him, ni hindi ko sya nakita maghapon. I focused my attention to the girls story. Kung paano raw sila nag- enjoy at paano napili ang mga pasalubong para sa akin.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now