Kabanata 27

437 24 2
                                    

Truth


"Anong ginagawa mo rito?"


"Hindi ka sumasagot sa mga message ko anak.."


Kumunot ang noo ko. So he is the unregistered number. Kaya pala may see you soon na mensahe ito. And right now he is in front of me.


"Saan mo nakuha ang number ko?"


"Kay Franco hija. Nakita ko siya sa isang event.. His father and I are good friends. Kaya tinulungan nya ako sayo.."


Nanatili akong nakatayo doon. May distansya pa rin sa aming dalawa. Ano kayang magiging reaksyon nito pag nalaman niyang ang taong hiningian niya ng tulong ay muntik na akong gawan ng masama.


"Gusto kitang makita anak.. Ang ate mo ay pinuntahan ko. May anak na pala..." malumay nitong sabi.


Ngumisi ako sa kanya. Agad na nag-init ang ulo ko. Ang mga simpleng bagay sa buhay namin ng kapatid ko ay hindi nito alam.


"Paano mo malalaman iyon ay wala ka naman sa buhay namin nitong nagdaang taon. You're with your mistress. Kaya nagtataka ako kung bakit ka nandito?"


"Kaya nga bumabawi ako anak.. proud akong naging Doctor ka na.."


"Stop this kind of drama Dad. What did you want? Money? Dahil nalulugi na ang negosyo mo? Kaya una mong pinuntahan si Ate? Para makuha ang negosyo na iniwan sa amin ni Mommy? Nasan ang kabit mo?" galit kong sabi dito. Maybe the alcohol has something to do with this.


"Hindi ganun Millie.. and will you please watch your words. I'm still your father.." matigas nitong sabi.


"I told you last time right. You are no longer my father..."


"Kahit anong gawin mo.. ako pa rin ang tatay mo. You need to accept that. I already forgive you for what happened to your Mom. Alam mong mahal ako ng Mommy Miranda mo.."


Ang maalala si Mommy ay nagpangilid ng luha sa akin. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.


"Don't metioned her name! Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya! Minahal ka niya ng wagas. Even until to her death. Wag na wag mong isisisi sa akin ang nangyari kay Mommy! You did that to her. Nawala siya sa akin ng dahil sayo." unti-unti na ring tumulo ang luha ko.


"Mahal ko ang Mommy mo Millie.  Alam iyan ng mga taong nakapaligid sa amin. Kung pinagbigyan mo lamang siya.." ang labi nito ay nanginig at nakailang buntong-hininga. I heard him snif.


"You don't know anything about us! Wala kang alam sa nangyari sa amin.." patuloy na umaagos ang aking luha. I can't hold it anymore. Kailangan kong sabihin lahat sa kanya iyon. 


"Simula noong umalis ka. Hindi ko nakita ang totoong saya sa mukha niya. Araw-araw Daddy. Nakikita ko siyang umiiyak. Pero she remained strong for us... Para ipaglaban kami sa mga masamang balitang ibinato sa pamilya natin! She become our protector.. na dapat ay ikaw ang gumawa! But you're the one who put us in that situation.." nanghina ang tuhod ko at napaluhod. Naramdaman ko ang hapdi sa tuhod ko dahil sa biglaang pagtama nito sa semento. Pero wala ang sakit na iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now