Her Innocent Slave 37

90.9K 2.1K 263
                                    

(HIS) Chapter 37



Nanatili ako sa bahay at hindi nagpunta sa burol ni daddy. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipasok sa isip ko na wala na siya. Parang kahapon lang ‘yung araw na naglalaro kami ng chess sa hardin at nanghihingi siya ng apo. I didn't know that was the last day I could play chess with him. If I had known, I would have hugged him many times and kissed him. I couldn't prepare myself to see him inside a box, eyes closed, and lifeless.

I thought you wanted to see your grandchildren, Daddy? Bakit hindi mo na nahintay? Bibigyan ka naman namin ni ate, hindi pa nga lang ngayon. Dapat ba maaga akong nag-asawa para natupad ko ang pangarap mo na apo? Dapat ba tinotoo ko na at nagpakasal kami ni Reo?

Ilang beses na akong kinatok ni Aina. Wala siya nang oras na iyon dahil nasa galaan siya. Sa tuwing wala ako sa bahay at nasa trabaho’y umaalis siya. Nagkikita kami kapag lunch time at sa gabi’y sabay na uuwi.

"Lucienne, kumain ka muna."

Mahina siyang kumatok at sinubukan buksan ang pintuan ko. Buong araw akong walang kain kahapon at nagkulong lang sa kuwarto. Naging abala ako sa trabaho at ni hindi ko nakukumusta si daddy. Nagsisisi ako dahil sa mga nasayang na oras na iyon.

“Lucienne?”

Kumatok ulit si Aina. Nang walang marinig na ingay mula sa loob ng kuwarto ko, ginamit nila ang duplicate key. Bumukas ang pinto. Narinig kong nakahinga siya nang makita ako.

"Nasa simbahan raw ang ate mo. Hindi ka ba pupunta?"

Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang aking buhok. Hindi ako nagsalita. Nakatulala lang sa kawalan ang mapula at namamaga kong mata.

“Kung ayaw mong kumain, hintayin mo ako rito, ikukuha kita ng gatas. Kahit iyon lang muna para kahit paano may laman ang tiyan mo.” Ani niya at kalaunan nga’y lumabas siya.

Under investigation pa ang kaso ni daddy. Hindi maituro kung sino ang pumatay sa kanya. Lahat nang pumasok sa bahay ay nakatakip ang mga mukha. Si daddy lang ang target dahil walang ibang sinaktan maliban sa dalawang guard na mayroon tama ng baril sa mga binti at hita. Sinaktan sila ngunit hindi pinatay na kagaya ni daddy.

Kalaban ba sa negosyo? Kung sa negosyo ni daddy, sana noon pa. Kung kalaban sa negosyo ang gumawa, sana’y pati kami ni Ate Riaca dahil kami ang magpapatakbo sa maiiwan niya. Wala akong kilala na nakaaway niya sa trabaho. Wala siyang malaking atraso sa iba maliban sa isang taong galit sa akin at kayang idamay si daddy makaganti lang siya.

“O God, By whose mercy the faithful find rest…”

Mahigpit ang hawak ko sa litrato ni daddy habang pinapanuod ang kabaong na unti-unting bumababa sa ilalim ng lupa. Sa huling araw ako nagpunta. Sa libing na. Nakaalalay ang lahat sa akin dahil wala akong tigil sa pag-iyak. Si ate na nasa tabi ko’y umiiyak din habang nakayakap sa boyfriend niya.

Wala akong kinausap, basta umiiyak lang ako habang nakasuot ng salamin na itim at itim na dress. Ang malaking litrato ni daddy ay yakap ko habang iniisip kung sino ang posibleng gumawa nito sa kanya. Isa lang ang naiisip ko.

I will make him pay for what he did to my father. Sana hindi ikaw, Lucas. Sana mali ako. Na sana kahit galit ka sa akin, hindi mo kayang gawin ito. Dahil kahit maliit lang na butas sa imbistiga at ikaw ang ituro, hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sayo.

Nanatili ako na nakatayo kahit pa nagsi-alisan na ang lahat ng tao. Ako at si Aina na lamang ang natira. Si Ate Ysa, nakaabang sa sasakyan at hinihintay ako. Umuulan at ang lupa na itinabon kay daddy ay unti-unting nababasa at nagiging putik na. Pumatak ang luha ko at humalo sa tubug ulan na bumabasa sa puntod ng aking ama. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Hindi ko magawang iwan si daddy ritong mag-isa.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now