Her Innocent Slave 36

92.5K 2.3K 598
                                    

(HIS) Chapter 36






“Why don’t you take a rest, Daddy? Your wrinkles are no joke. Are you that stressed in casinos? You look more old now than your real age. You look like a dirty old man now."

Nasa hardin kami, nag-aagahan habang naglalaro ng chess. Maaga pa’y inaasar ko na si daddy. Baka rin kasi pumayag siya na ako na ang mamahala sa lahat kung aasarin ko siyang magpahinga pansamantala at mag-relax para mabawasan ang wrinkles niya. I’m not the seventeen years old Lucienne, I’m an adult now. Nasa legal na akong edad at pwede nang mamahala ng mga legal at illegal na negosyo niya.

"I agree I’m an old man but I disagree with being dirty. And I don’t need a rest, hija, what I need to feel young is a grandchild. Gusto kong makita man lang ang mga magiging apo ko bago ako mamatay. Kailan mo ba iluluwal ang sayo, hija?”

Tumawa si daddy nang sumimangot ako. Nag-back fire sa akin ang buena mano’ng pang-aasar ko.

"A bad bug never dies, so I know you’ll live longer than one hundred years, daddy! Kaya hindi ako mag-aasawa at mag-aanak! Sasamahan na lang kita hanggang sa mag-one hundred ka!”

Umikot ang mata ko para sa isang irap. Alam niyang mapipikon ako kasi wala naman akong boyfriend pero ako ang hinihingan niya ng apo.

"Kailan ba kayo magpapakasal ni Reo?”

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit nang umikot ang mga mata ko. Napangiti ako sa panunukso ni daddy. Speaking of that man. I miss him already.

"Hanggang fiance lang kami, dad, hindi na kami lalagpas doon kaya huwag ka nang umasa! Si ate ang may boyfriend! Hintayin mo! Malay mo next year gulatin ka na lang may dala nang bata at sabihing pamanahan mo iyon dahil apo mo!”

Tumaas ang kilay ko nang makita ang pag-ngisi ni daddy.

"Check mate!" Dad said then look at me proudly.

"I really hate this game!" I groaned annoyingly.

Ginulo ko ang lahat ng mga chess piece na nasa ibabaw ng chess board. Tinatawanan ako ni daddy habang pinupulot niya sa lapag ang mga nalaglag na chess piece dahil humagis ang ilan doon nang ginulo ko. Naghalukipkip ako at sumimangot. Palagi niya na lang akong niyayayang maglaro nito. Palibhasa’y alam niya na dito ako mahina at siya ang palaging nananalo. I always felt bored and distracted whenever we’re playing chess so he always won. Hindi rin ako ganoon ka-interesado at inaantok ako sa tuwing naglalaro.

“Go shopping for formal clothes tomorrow. Next week, I will let you into our newly opened casino.”

Napalitan ng matagumpay na ngisi ang maasim kong mukha. True to his words, Dad hired me as a shift manager assistant in our newly opened casino. It's a Japanese style hotel built here in the Philippines. I could see purple everywhere so I kind of liked it. Dad truly knows the best. As if this hotel and our casino were made based on my taste.

“Thanks.”

Pang-ilang thank you ko na ba ito? Dad hired me as a shift manager assistant pero pang-CEO ang turing sa akin ng mga staff. Kung hindi ako magkukusang kumilos, walang mag-uutos sa akin. Alok din sila nang alok ng mga inumin at pagkain. Mas polite ang mga tauhan ni daddy rito kaysa sa mga illegal niyang casino na halos lahat ng staff ay seryoso.

“One frozen strawberry margarita please,” ani ko hindi pa man nagtatanong ng order ang cocktail server.

Ginala ko ang mata sa disenyo ng reef lounge habang nagpapahinga ako. Ang reef lounge ay isang pahingahan na matatagpuan sa loob ng casino na para sa mga manlalaro at mga hotel guest. They offered drinks, foods, and live band. Polite waiters and waitresses are wearing their suit and gown uniform to serve. You can chill and relax here after a tiring day of playing at a casino.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt