Her Innocent Slave 55

95.7K 2.1K 132
                                    

(HIS) Chapter 55




"Okay. Thank you, Silas. I'll be there tomorrow."

Pagkababa niya sa tawag, tiningnan niya ako at nginitian. Sinenyasan niya ako na pumasok muna sa loob. Nagpapakain kasi sila ng Lolo niya ng mga manok. Natigil lang nang mayroong tumawag sa kanya. Tinigilan ko ang pagtaas-baba sa poso at nagpaalam sa Lola niya na tinutulungan kong maglaba.

Pagkapasok ko sa kwarto, naabutan kong mayroon ulit siyang kausap sa telepono. Nagpaalam siya at ibinaba ang tawag nang makita ako. Nilapitan niya ako at inayos ang buhok ko na nabasa na ng pawis kakabomba.

"Do you still remember the man who helped you with that kidnapping incident?" He asked carefully.

Tumango ako at naghintay sa sasabihin niya.

“I don’t have to interrogate them because he volunteered to be your witness. I asked my friend to protect him for a while while I was here."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Napatakip ako ng mga kamay sa awang na bibig dahil sa tuwa. Ang tauhan ni Benjamin na iyon ay maraming alam. Ang pagpatay kay daddy at ang pagdukot sa akin. Nanubig ang mga mata ko. Ngumiti si Lucas sa akin at niyakap ako.

Napaupo ako sa kama at nabawasan ang mga iniisip ko. Tiningala ko si Lucas na nakangiti sa akin. Dinala niya ang kamay sa pisngi ko at marahan akong hinaplos doon. Napapikit ako at huminga ng malalim.

“They need me tomorrow,” napaos ang boses niya.

Mabilis akong dumilat at tiningnan si Lucas.

“Aalis ka na bukas?”

Tumango siya. Masaya ako pero hindi ko maalis ang malungkot. Sana isang linggo lang matapos na. Para isang linggo lang din kaming magkahiwalay. Nasanay na akong katabi siya. Ayoko nang mahiwalay sa kanya. Maisip ko lang na hindi ko siya maaamoy bago matulog, nalulungkot na ako.

“Bumalik ka agad, ha? Hihintayin kita,” namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko na pinigilan nang may bumagsak doon.

Lumuhod si Lucas at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ako sa likod ng aking kamay at saka ako hinila sa batok para ang mga mata ko naman ang halikan.

“Labas tayo?” Tanong niya.

Tumango ako kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Iniwan namin ang Lolo at Lola niya dahil nagpaalam si Lucas na mangunguha raw kami ng iuulam sa pananghalian.

"Anong gagawin dito?"

Tinuro ko ang hawak niya na balde na mayroon takip.

"Lagayan ng ulam." Tumawa siya.

"Isda ba?"

Humalakhak si Lucas habang nililingon ako. Tirik ang araw subalit hindi mainit sapagkat mahangin at makulimlim sa bukid na tinigilan namin.

Anong ulam ang kukunin namin dito? Sa pagkakaalam ko ay damo at palay ang nandito. May tanim din bang gulay rito? At makakasungkit ba ng isda diyan sa mababaw na tubig at maputik?

Sinusundan ko siya ng tingin habang nilalapag niya sa gilid ang baldeng may takip. Humakbang siya sa putikan at mayroon kinapa sa mga putik. Lumapit ako dahil sa pagtataka. Hindi ba’t madulas ang isda?

"Give me the pail, Lucienne!"

Nataranta ako at mabilis na kinuha ang balde. Hindi na ako nag-isip at agarang lumapit sa kanya. Sa mga walang tubig at hindi basa ako umapak. Kahit sumama ako’y ayoko namang maputikan.

“Remove the lid.”

Pinatanggal niya ang takip ng balde na sinunod ko naman. Inabot ko iyon sa kanya ngunit hindi niya kinuha. Sa halip na kunin ay mayroon siyang inilagay sa loob habang hawak ko ang balde. Hindi ko nakita kung ano dahil nakapaloob sa kamay niya.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang