Her Innocent Slave 60

110K 3.2K 477
                                    

This is the last chapter of HIS. Next chapter is Lucas’ POVs and Special Chapter. Thank you for reading.

(HIS) Chapter 60

"Susundan po ba namin?"

Nilingon ko ang dalawang tauhan ni Lucas. Tulala ako nang umiling. Maagap kong pinakuha kay Aina ang telepono ko para matawagan si Lucas.

“Hey,” may tunog na ngisi ang sagot niya. “I watched your video. Are you done cooking?”

“Leela came here,” malamig na sinabi ko.

Narinig ko ang galaw ng swivel chair niya. Mukhang tumayo siya at kinuha ang coat niya nang marinig na malamig ang boses ko.

“What’s wrong? What did she do to you? What did she tell you?”

“She said she comforted you when I left. Paanong comfort ang ginawa niya sayo?”

“Wait! Wait!” Maagap niyang sabi at dinig ang kaba sa boses. “Bago pa kung saan mapunta ang isip mo, wala akong ginawa, okay? She just comes to the office sometimes and brings food to me and Catelynn. Wait for me there. I’ll be home in an hour. Let’s talk at home.”

Umirap kao at huminga ng malalim. Hindi naman talaga iyon ang pakay ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nauna kong tanong.

“By the way, nabanggit mo ba kay Leela ang pagsugod ng mga tauhan ni daddy sa dating bahay ninyo?”

Kumalma siya. Narinig ko ang tunog ng elevator ngunit mukhang hindi muna siya pumasok dahil kausap niya ako.

“Hindi. Wala akong sinabihan maliban kay Rome. Bakit?”

Gumalaw ang panga ko.

“Alam niya ang tungkol doon. Sa palagay ko may kinalaman siya, Lucas.”

Narinig ko na may kumausap sa kanya pero pinatigil niya iyon at sinabi na mag-usap sila mamaya dahil kausap pa niya ako.

"What do you mean, Lucienne?"

Nasa loob na ako ng bahay at nag-iwan ng mga tauhan sa labas at loob.

"Alam niya ang nangyari. I confronted her but she ran away. She’s shaking and looking guilty, Lucas.”

He sighed heavily. He became silent and seemed to be deep in thought. Huminga ulit siya ng malalim at kalaunan ay nagsalita ulit.

“Where are you now?”

Umirap ako nang marinig na may pangamba sa boses niya.

“Nasa loob na ako ng bahay.”

“Ang mga bantay?”

“Nasa labas—”

“Lahat?”

“Meron sa labas at meron sa loob—”

“Hintayin mo akong umuwi. Huwag kang lalabas, naiintindihan mo?”

I hummed a yes in response.

“Baka puntahan ka niya—”

“Don’t worry about me. Just listen to me and don't go outside. I’ll handle this now before I go home. Kung ipagpapabukas ko ito, baka balikan ka niya sa bahay habang nasa opisina ako.”

“May mga bantay naman—”

“I almost lost you, Lucienne,” bumuntonghininga siya. “I don't want that to happen again so listen to me. I’ll handle this. I might be late coming home. Have your dinner, okay?”

Ngumuso ako. Nangingiti akong sumandal sa sandalan ng sofa. Nandidiri akong pinapanood ni Aina.

“Okay. Mag-ingat ka ha. I love you.”

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now