Her Innocent Slave 14

111K 2.3K 151
                                    

(HIS) Chapter 14



Pagkatapos akong kausapin sa office, hindi na ako tumuloy sa gym para manood ng mga laro. Umuwi na lang ako at nag-iinit nang husto ang ulo ko sa mga nangyari.

Si Rome, pinipilit ako pero hindi ako pumayag na magtagal pa. Hindi ko na rin ipinaliwanag sa kanya ang narinig niyang sinabi ni Leela. Nakaabang siya sa labas kanina para sabihin na nagpadala si Catelynn sa clinic kay Lucas.

Umiiyak pa rin daw kaya hindi maiwanan ni Lucas kahit mayroon mga kailangang ayusin sa games. Hindi na rin daw nakasali sa laro si Catelynn at bukas na lang siya maisasama sa grupo nila.

"As if I care," umirap ako. "Kung alam ko lang na dramatista siya, binalian ko na sana siya ng buto."

Panay ang irap ko sa kalsada habang pauwi at nakasakay sa sariling sasakyan. Tinawagan ko ang isang driver at nagpasundo dahil hindi ko makalimutan ang tingin ni Lucas sa loob ng banyo nang maabutan niya kaming dalawa roon ni Catelynn.

Kung makatingin siya sa akin parang siguradong sigurado siya na ako ang may kasalanan hindi pa man siya nagtatanong! Pati sa kanya kumukulo ang dugo ko!

Alam niya ang ugali ko at tingin ko maniniwala siya sa mga sasabihin ni Catelynn at Leela kaysa sa sasabihin ko. Kaya wala akong balak magpaliwanag kung sakali na kumprontahin niya ako!

Para ano pa?

Nakakairita kung paano niya hawakan si Catelynn na parang babasagin kung hawakan niya. Natural na hawakan niya ng ganoon dahil girlfriend niya iyon at sugatan habang umiiyak pero sobra pa rin ang galit ko sa nakita kahit alam ko na ganoon naman talaga dapat.

Pagkapasok ko sa kuwarto, tumunog ang phone ko at nakita na si Lucas ang tumatawag. Pinatay ko iyon at walang balak na sagutin. Pumasok ako sa banyo at naglinis ng katawan. Walang tigil sa kakaikot ang mga mata ko habang naliligo at naririnig ang walang tigil na pagtunog ng telepono.

Bakit pa siya tumatawag? Pagagalitan niya ako? Isang irap pa'y tinapos ko na ang pagligo.

Nagpapatuyo na ako ng buhok nang makarinig ng katok sa pinto. Nasa banyo pa ako at maingay ang blower pero narinig ko pa rin ang malakas na katok ni Lucas.

"Lucienne!"

Nagpatuloy ako sa ginagawa at hindi siya pinansin. Sino ba sa amin ang sasakit ang kamay kakakatok? Mas nilakasan ko pa ang blower para hindi siya marinig. Mabuti na lang at ni-lock ko ang pintuan kanina dahil wala akong balak na matulog habang katabi siya.

Natapos ako at lumabas sa banyo. Nakahiga na ako sa kama nang marinig ko ulit ang katok niya. Umirap ako at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi ako papasok bukas! Ayokong makita na naglalaro si Catelynn at pinupuri ng lahat dahil maganda na magaling pa maglaro! Matutulog na lang ako ngayon at buong araw bukas at baka pati na rin sa susunod na araw!

Kahit maingay ang katok niya'y nakatulog naman ako. Nagising lang nang madaling araw dahil maaga akong umuwi at nakatulog. Hindi ako nakapaghapunan kaya bumaba ako ng kama para tumingin ng pagkain sa kusina.

Pagkabukas ko sa pintuan, tiningnan ko pa ang pintuan ni Lucas sa tapat ko at pairap na nag-iwas nang tingin bago tuluyan na bumaba.

Madilim ang ilaw sa sala at patay ang ilaw sa kusina. Binuhay ko ang ilaw doon at tumingin kung mayroon bang mga pagkain na puwedeng initin na lang. Mayroong ulam at kanin. Siguro ay hapunan ito kagabi kaya lang hindi ako nagising kahit kinatok ako ng mga katulong para kumain.

"What the hell," I cursed when I heard my stomach grumbled.

Naghalukipkip ako at sumandal sa lamesa habang hinihintay na uminit ang ulam at kanin na nanatili sa lutuan. I don't know any kitchen chores that's why I'm not sure if I'm doing it right.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now