Her Innocent Slave 59

94.3K 2K 234
                                    

(HIS) Chapter 59




We stayed there for ten days until he got his rest and recovered a little. Medyo tuyo na ang sugat niya sa labas pero kailangan pa rin mag-ingat para hindi ma-infection sa loob.

"Are you sure you can drive?"

Hindi ko hiniwalayan ng mata ang braso niyang nakabenda pa rin. Nag-aalala ako kahit na paulit-ulit siya na kaya niya. Hindi ba ito mapupuwersa gayong mahaba-haba ang ba-biyahihin namin?

"Yeah."

Inayos niya ang mga gamit namin sa backseat at sumakay na sa sasakyan. Wala na ang mga bantay dahil tumawag ang kaibigan niya na clear na ang lahat. Wala nang tauhan at kahit katiting na pera ay wala na rin si Benjamin Gonzales. Ang natira na lang sa kanya ay maraming atraso. Nakikinita ko na ang mga pagpapahirap sa kanya habang nasa loob siya ng kulungan.

Ang lalaki na tumulong sa akin at ang mga nag-witness ay binawasan ang taon ng pagkakakulong. Mababa lang ang sintensya sa kanila dahil kasama man sila sa mga dumukot sa akin ay hindi naman sila kasama sa mga sumugod sa bahay. Ang dating kasintahan ni ate ay wala nang pag-asa na makalaya at na mabubulok na lang ito sa kulungan. Sa iba rin siya nakakulong kaya hindi ako mag-aalala na baka saktan niya ang mga tauhan niya na tumulong sa akin.

“Huwag mong pilitin kapag hindi mo kaya. Kapag sumakit sabihin mo sa akin, papalitan kitang magmaneho.”

Pinaandar niya muna ang sasakyan bago niya ako binalingan.

“If so, even if it hurts I won't let you know,” he showed me a coy smirk. “We both know how you drive.”

Agaran ang pag-asim ng mukha ko.

“Hindi na ako ganoon mag-drive!”

Tumawa siya. Tiningnan niya ang katawan ko.

“Really? Then why are you not wearing your seatbelt now?”

Napatungo ako upang yukuin ang katawan. He’s right. I unconsciously forgot to wear my seatbelt. Hindi naman sa sinasadya ko. Hindi ko lang nakasanayan. I have a big size of boobs so normally the seatbelts for me are uncomfortable.

“You are still the Lucienne I knew from day one.”

Inirapan ko siya. Padabog kong sinuot ang aking seatbelt, sumandal sa sandalan ng upuan, at humarap sa bintana. Tahimik siyang nagmamaneho. Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay napatingin ako kay Lucas nang abutin niya ang kamay ko. Mabagal ang paandar niya sa sasakyan. Nasa kanya nang una ang mga mata ko. Bumaba lamang iyon sa aking kamay nang naramdaman kong may isinuot siya sa daliri ko.

Base sa laki ng bato, it’s a four carat round brilliant cut diamond ring. Ang katawan ay manipis na white gold. Mayroong maliliit na bato sa katawan subalit ‘di hamak na mas lutang ang nasa gitnang malaking bato. Kuminang ang bato nang pagsalikupin ni Lucas ang mga kamay namin. Pinisil niya ang aking kamay. Napalunok ako. Matagal kong tinitigan ang isinilid niya sa daliri kong singsing bago nagawang mag-angat ng tingin sa kanya. Sinulyapan niya ako at nginitian. Ibinalik ko ang ngiti niya. Kapwa nakangiti ang magkahinang naming mga mata.

“I love you.” He mouthed. Walang boses subalit naramdaman ko.

Hindi ako nagsalita at pinatulis lang ang nguso ko. Hinilig ko ang aking ulo sa balikat niya at pinanyakap sa braso niya ang isa kong kamay na hindi niya hawak. Sa buong durasyon ng pagmamaneho niya’y magkahawak kamay kami o ‘di kaya’y nakahilig ako sa kanya. I suddenly wanted to be extra touchy and clingy to him. Para bang ayokong walang nahahawakan na balat niya. Nagbibitaw lamang kami kung kinakailangan para sa pagmamaneho.

Pagkarating sa bahay ni Lucas ay nakaabang na si Rome sa labas, kasama niya si Ate.

She’s blinded by her love to the point that it turned her to a different person. I couldn't judge her because love is really powerful. Masama nga lang ang naging epekto sa kanya dahil maling tao ang minahal niya. She gave him all without knowing she have nothing left to herself. Mabuti at natauhan siya sa tamang pagkakataon.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now