Finn Lucas's (POV) 01

99.5K 2K 222
                                    

Lucas's (POV) 01

Pagtungtong ko pa lang sa pagkabinata, alam ko na kung ano ang mga katangian na gusto ko sa isang babae. If I’m going to have a girlfriend, she needs to be conservative, kind, smart, and modest. Hindi ako kailan man nagandahan sa mga babaeng maikli manamit. I don’t like liberal girls who are prone to alcohol and like partying. I don’t like women who don't hold good values. They aren’t wife material and not the kind of girl you can take to meet your parents.

Kaya nang makita ko ang mga katangian na gusto ko kay Catelynn, I told her I like her. Naging kami bago pa man kami lumuwas sa Manila para makapag-aral ng huling taon sa high school at doon na rin makapag college dahil iyon ang gusto ng mga magulang namin na parehong sa Manila nakakuha ng magandang trabaho.

Nagtagal ang relasyon namin at nagkaroon ng mga kaibigan. Sina Leela, Rome, at Ryder. Mapili ako pagdating sa mga kaibigan at matitinong tao lamang ang pinakikisamahan. Pareho kami ng pananaw ni Catelynn at pareho ng mga gusto kaya sa tagal na magkasintahan kami’y wala kami ni isang beses na pinagtalunan. We are dating but we both prioritise our studies.

“And I go faster and faster and faster and faster for love…”

I was about to read my notes when I heard the mixed sounds of guitars, drums, and other noisy instruments. Nakaupo ako sa isa sa mga bench stone na nasa loob ng school. Tiningnan ko ang babae na umupo sa tabi ko. Sa kanya nanggaling ang naririnig ko. Nakapikit siya at nakabagsak ang ulo sa sandalan na bato. Both of her eyes are closed. Her light brown wavy hair is scattered over her white school uniform. Maganda ang pagkakaayos ng natural na makapal na kilay. Mahaba ang mga pilikmata na nakatikwas. Matangos ang maliit na ilong at bahagyang nakaawang ang makapal na mapulang labi. Nagtagal ang titig ko sa natural na pababang hati sa gitna ng ibabang labi niya.

I couldn't stop looking at every part of her face. Hindi pangkaraniwan ang itsura niya at malamang na mangingibabaw kahit kanino itabi. Walang makikitang pangit at maipipintas sa kanyang mukha. Ang problema ko lang ay hindi yata pag-aaral ang pinasok nito sa loob ng school. She listens to loud music inside the school and she doesn't seem to care even if she disturbs other students who are studying like me. Naka-wireless headphone naman siya ngunit dahil sa sobrang lakas ay rinig na rinig ko maging ang lyrics nito hanggang dito sa kinauupuan ko.

“Excuse me,” I patted her arm to wake her up and tell her to lower the volume of what she was listening to.

I felt her flinch when my palm made contact with her skin. Her skin also felt strange on my fingers. I shrugged it off and instead watched her open her eyes. Pagkamulat niya ng mga mata, nakalimutan ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kulay brown ang mga mata niya, kakulay ng kanyang mahabang buhok. Bigla akong kinabahan dahil ang sama niyang tumingin. Hindi pa man ako nagsisimulang magtanong, nakataas na ang kilay niya. Ang mga mata niya’y matalim. Ibang iba ang itsura niya kapag nakapikit. She looks more kinder with eyes closed.

“I can feel that you mesmerise my heart…” The song she was listening to continued to play.

Tumikhim ako at inangat ang hawak ko na notes nang alisin niya ang kanyang headphone sa tainga niya. Nakayakap na iyon sa kanyang batok at leeg. Lalong lumakas sa pandinig ko ang kanta dahil hinubad niya. Nakataas ang kilay niya at nagtatanong ang mga mata kung bakit ko siya hinawakan.

"I'm reading my notes here." I smiled politely and showed her my notes. “Can you turn it off or just lower the volume?”

Tiningnan niya ang hawak ko. Lalong umangat ang kilay niya. Kumibot ang labi niya. Itinaas niya ang isa niyang kamay. Akala ko’y papatayin niya ang tugtog ngunit sa halip na iyon ang gawin ay lalo niya pa itong nilakasan. Dumagundong iyon at maging sa kabilang upuan siguro ay maririnig. She chuckled arrogantly after turning it to full volume. She smirked rudely and then close her eyes back again.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now