48:00 Rendezvous And Chase

1.3K 96 56
                                    

     Jourdan Romano in her white bathrobe sat comfortably on the furry couch in her hotel room. Nakasandal ang kanyang kamay sa headrest at nakatingala, may nakalagay ring hiniwang pipino sa kanyang magkabilang mga mata. She has been on that position for twenty minutes already, when she suddenly felt Novano's footsteps entering her suite. Hanggang ang mga yapak nito'y tuluyan nang nakalapit sa kanya.

Nang tuluyan itong makaabot sa harapan niya'y hindi man lang ito nagsalita. This is how Novano knows that she is aware he is there. Either nagbibingihan lang ito o walang pakealam.

"What?" inis niyang sabi, nang hindi man lang ginagalaw ang kanyang ulo.

"You have a call," aniya lamang. Jourdan held her hand towards Novano, kung saan iniabot naman ni Novano ang cellphone niyang hawak.

Nang matanggap ito ni Jourdan ay agad niyang inilapat ang telepono sa kanyang tenga. Nang nakatingala pa rin ang ulo.

"Hello," walang gana niyang sabi.

"Hello madame, the royal family, especially the King and the Queen has been waiting for you."

"But it's 9:30 in the morning yet, and I've been scheduled to come at one pm." tugon ni Jourdan, unbothered.

"--yes, yes, but they are expecting you to come at ten in the morning. I hope you did not forget that you joined the horseback riding with Prince Josef, because the royal family has been anticipating for it." malumanay at pormal nitong sabi.

Wala sa oras at gulat na napabangon si Jourdan sa kanyang sinasandalan, sabay ang pagalit na pagtanggal ng mga pipino sa dalawa niyang mata.

"The what???" anong kaputanginahan ito? Hindi nga niya alam paano sumakay sa kabayo eh!

"Yes, madame, your name is listed here, along with the other four guests from the German Federation?" hindi sigurado at nagtataka nitong tanong kung anong klaseng tono ang pananalita ngayon ni Jourdan.

"Yes, ten am. Sharp." agad na napapatay ng telepono si Jourdan at napatayo, saka napatakbo papunta sa kanyang kuwarto, habang pinapanuod lamang siya ni Novano.

"Fuck you Josef! Fuck you!" sigaw-sigaw niya sa loob ng kanyang kwarto, kung saan dinig na dinig naman siya ni Novano na nakatayo lamang at kalma lang sa kinatatayuan. Habang ang amo niya'y aligaga na sa pagbihis.

"NOVANO! Do you have some horseback riding tutorials on youtube?"

"I'll search for it," bahagyang nakataas ang boses na tugon ni Novano upang marinig ito ng Alpha sa kwarto nito.

"How am I fucking suppose to do this?! Buy me a fucking ranch in Italy! And a dozen horses when we get back! Fuck this!" litanya nitong pagalit sa kuwarto nito habang nagbibihis.

"Do not shoot the horses please," kaswal na tugon ni Novano na parang walang pakealam sa pagt-tantrums niya habang papaalis ito ng kanyang suite.

--

Kabado siyang inakay ng tagapangalaga ng kulay itim na kabayong ito sa likod nito. Hindi man ipinahahalata, ngunit alam na alam niyang pinapanood siya ngayon ng bastardo sa gilid niya. At mukhang enjoy na enjoy ito ngayon kakapanood.

Nang tuluyan na siyang makaupo sa likod ng kabayo'y binalingan niya ng tingin ang Prinsipe sa tabi niya na nakasakay na sa kabayo nito at suot ang nakakainis na ngising iyon sa mga labi niya. She grimaced and gave him the sharpest look she could ever offer. He only chuckled, turning away.

"Are you sure you're not gonna wear any protective gear?" tanong ng babae sa kanyang gilid na kakarating lamang upang kumustahin siya. At mukhang ito rin ang babaeng tumawag sa kanya kanina. She looked at Prince Josef down his body, and she saw him wearing no protective gear.

Steel Skin: Pitch BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon