06:00 Teach, Teach, Bitch

1.2K 69 21
                                    

TEACH, TEACH, BITCH

Jourdan is finally on her usual habit, at nang makalabas siya ng kwarto ay wala na ang bangkay at kinuha na ng ambulansya.

Nagdulot ang pangyayari ng malaking komosyon na kung kanina ay sa buong kumbento lang, ngayon naman ay nagulo maging ang buong eskwelahan ng Anastasia of Sirmium Academy pagtapak niya sa hallways ng kumbento ay inilinga pa niya ang sarili niya sa paligid, in which she couldn't hear anything all of a sudden.

It was awfully silent in the hallways, at dahil sa trahedya, it became more strangefully awful. Tinangay ng hangin ang hem ng hood niyang nakasabit sa isang balikat niya. Hindi na rin naging matagal ang pagtayo niya doon dahil umalis siya.

Nagsilabasan na rin sa simbahan ang mga madre na may rosaryo sa kamay dahil galing lang sila sa pagdadasal at pagrorosaryo, at isinama na rin sa pagdadasal ang pagkamatay ni Sister Bernadeth. Nasa pintuan pa lamang si Jourdan Romano nang maramdaman siyang may mabibilis na hakbang ang papalapit sa kanya. She turned her back to face who's behind her and found out it was Sister Marie na tatapikin na sana siya sa braso, na nagitla din at bahagyang napaatras sa biglaang pagharap ni Romano sa kanya. Grabe naman kasi eh ang lakas makaramdam eh.

Maraming beses na ring napansin ni Sister Marie na parang maingat at laging cautious si Romano sa mga bagay-bagay. Sa lahat ng tao dito sa loob, siya lang ang ayaw pakealaman ang buhay niya at kapag may nagtatanong sa kanya nito, agad na nagagalit siya, lalo na kapag tinatanong ang mga nakaraan niya.

Mas malala siya noong bago pa lamang siya sa kumbentong ito, dahil kung hindi siya magkukulong ay mismong mga madre na ang magkukulong sa kanya sa kwarto niya dahil kapag may hindi magandang nasabi ang mga madre sa kanya o kapag may sinabi itong konekta sa nakaraan niya ay halos babasagin niya lahat ng nakikita niya. Na parang baliw. It took two years to revive her patience, and it occured to Sister Marie, that the development of her demeanor become awfully strange.

Jourdan suddenly became so calm. More calm than all the nuns here, and she's always shutting up. Siya lang naman ang nakakapagpalabas ng inis ni Romano eh, dahil siya lang rin ang nakakakilala sa kanya sa lahat ng tao dito. She will always have that quick temperament, pero minsan-minsan nalamang lumabas. Once in a blue moon lang din kung lumabas ng kwarto o kumbento si Romano, dahil kada pagkatapos ng choir practice, ng misa, o ng rosaryo at meetings ay diretso ito sa loob ng silid nito at siguro, matutulog-- o iinom. Yan, isa rin yan sa mga problema niya, paano ito nakakapagpuslit ng alak sa loob ng kwarto nito nang hindi lumalabas o hindi niya nahuhuli? Tsk.

Jourdan never meddled or attended any of Anastasia of Sirmium Academy's activities, kaya sigurado siyang wala pang estudyanteng nakakakita at nakakakilala sa kanila.

Jourdan's cold gaze surprised her.

"Po?" isa din yan sa natutunan niya dito sa kumbento. Kasi nung kararating niya palang sa lugar na to parang hindi alam ang salitang yan eh.

Also, her quick outburst and short temperament may change, but that cold ice and impassive face will forever remain. Kung gaano kalamig ang titig niya pagdating niya sa kumbento, yun parin hanggang ngayon.

"Sister Nath," agad niyang sagot, as she instantly composed herself back from the shock.

Inilinga ni Sister Marie ang sarili sa paligid kung may nakatingin sakanya, and when one of the nuns passing by met her gaze, greeted her and slightly bowed down to pay respect to her. Sister Marie did the same and silently smiled back at the nun.

"Mag-usap tayo." pahabol ni Sister Marie at sinenyasan si Jourdan na pumunta sa opisina niya.

--

Steel Skin: Pitch BlackWhere stories live. Discover now