Prologue

4.6K 129 61
                                    

He kneeled in front of the confessional, a wooden wall that separates him and the priest. Nakayuko at seryoso ang mukha, habang hawak sa isang kamay ang rosaryong kanina niya pa dala-dala. Ninamnam niya ang katahimikan ng malaking simbahan. Ng tunog ng mga ibon sa kisame. At ang konting pagdilim ng paligid.

He felt quite guilty, at nagdulot ito ng kaunting kirot sa puso niya. Limang taon rin siyang hindi nakapasok dito, and it felt warm here. And new.

Hindi niya rin masisisi ang sarili kung bakit nawalan siya ng ganang kumapit sa Panginoon. It is just between losing his faith on Him or feeling guilty for being such a menace that stepping inside the church would burn his soul.

Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng lakas na loob na pumasok ng simbahan. Maybe his feelings were already uncontainable.

He made the sign of the cross.
He spoke for the first time in a while.

"Forgive me father for I have sinned, and these are my sins father, "

Huminga siya ng malalim at pinikit ang mga mata niya, saka yumuko at hinawakan ng mahigpit ang hawak na rosaryo.

"I am going to marry a woman but I am not in love with her. Instead, I fell for someone I know that could burn us both in hell. Father..."

He muttered his last sentence.

"I have an affair with a nun."

Muling natahimik ang silid. At kahit pa man hindi siya nakatingin sa pari ay halatang nagulat ito.

"The worst thing is, I have no plan on stopping myself from it. Wala akong balak na ihinto kung ano man ang namamagitan sa amin. Am I this evil?"

--

Steel Skin: Pitch BlackWhere stories live. Discover now