26:00 Notice Of Resurrection

1.1K 86 110
                                    

NOTICE OF RESURRECTION

"What?!" bulyaw ni Emma sa kausap sa kabilang linya.

It was already 8 in the evening in Italya at dali-dali siyang pumulot ng kahit anong peacoat sa closet ng kwarto niya, habang sa isang kamay naman nakahawak ang cellphone niyang lapat sa tenga niya.

"Is he critical? Is he okay? Has it been a while since he arrived there?" tanong niya habang dali-daling ipinapasok ang braso sa peacoat at isuot ito.

"Okay, okay, I'll be coming." hindi niya na hinintay na magsalita ang lalaking nasa kabilang linya dahil pinatay niya na ito saka kinuha ang susi ng sasakyan at umalis ng condo unit niya.

--

It is already Wednesday, ang araw ng pageant ni Callie. Habang nagbibihis siya ng uniporme sa harap ng basag at lumang salamin niya'y naisipan niyang i-on ang radyo niya. Inabot niya ang radyo na malapit lang naman sa kanya at ini-on ito, saka niya inilipat sa paborito niyang istasyon. Ang istasyon na iisa lang naman ang kantang pinapatugtog. Ng pabalik-balik.

Maraming beses na rin siya nakarinig sa mga tao sa paligid niyang nakapansin sa istasyong iyon na nakakarindi na raw ang pabalik-balik na tugtog, at nakakainis na daw kasi wala man lang hinto, para lang itong sirang plaka na paulit-ulit na tinutugtog ang isang kanta, ni wala man lang DJ. Nagtagal iyon ng limang taon.

Ngunit iba para sa kanya. Hmm... oo sige, sige, nakakarindi nga minsan. Pero kung titingnan niya, hindi naman maingay yung kanta, sa katunayan parang nanghehele nga ang kanta, hindi niya lang alam ang title kaya pabalik-balik lamang siya sa istasyong iyon kapag gusto niya itong marinig.

Nguniti napakunot siya ng noo nang tuluyan na niyang malipat ang istasyon.

Nagtunog static ito at walang tumugtog na kanta.

"Hmm?" napahinto siya sa ginagawang pag-button ng blouse at inabot ang radyo. Taka niya itong tiningnan habang naririndi sa static na tunog.

"Sira ba 'to?" pabulong niyang tanong sa sarili, at inalog pa ang radyo. Baka kasi naglololoko lang kasi luma na rin naman ito. Sinalampak niya pa ng makailang beses ang palad sa radyo, ngunit wala namang nagbago. Sinubukan niyang ilipat sa kabilang istasyon at subukan kung ganon rin ba ang mangyayari, ngunit nagulat siya at mas lalong napakunot ng noo nang malamang tumugtog.

Kaya ibig sabihin, ang istasyong iyon lang ang ganon?

"Anyare?" tanong niya ulit ng pabulong. Kakalapag niya lang sa radyo sa bedside table niya nang may kumatok sa kwarto niya. Alam niya na kung sino ang kumakatok kasi wala naman siyang ibang kasama sa bahay kaya dali-dali niyang pinagpatuloy ang pagbu-button ng blouse. Hindi niya rin napansin na hindi pa niya nasusuklayan ang basa at magulo niyang buhok.  "S- sandali lang!" aniya habang nagb-button ng blouse.

Lumabas siya ng kwarto at nadatnan niya si Ales na nakatitig na ngayon sa hitsura niya. Ang bastos amputa.

Inis niya itong tiningnan. "Oo na, oo na ang pangit ko." irap niyang sabi saka sinara ang pinto ng kwarto at dumiretso ng kusina.

"I did not utter a word." blangko nitong tanong na parang walang ideya kung bakit ito nito sinabi at saka sinundan siya sa kusina.

"I was gonna say come out kasi kakain na tayo." mahinahon nitong saad saka pinag-hila siya ng upuan. Gulat pang napahinto si Callie sa ginawa niya.

Sinenyasan niya ito na umupo at binigyan na naman ng tingin na nagtatanong. Bakit ba kasi napapatulala si Callie kapag may konti siyang ginagawa?

Iwas ang tingin na napaupo si Callie at tiningnan ang p-in-rito nitong hotdog sa rice cooker. Kakaiba.

Steel Skin: Pitch BlackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ