40:00 The Angel Rolling His Eyes

1.2K 85 55
                                    

THE ANGEL ROLLING HIS EYES

'Fever dream high in the quiet if the night you know that I caught it,'

Animo'y galing sa isang karera dahil hingal niyang naibagsak ang sarili sa leather seat ng sinasakyan niyang private plane na pagmamay-ari din niya.

He frustratingly faced his palms and leaned the back of his head at the headrest of his seat, coated in faux leather in color black.

That was one hell of pure bullshit, at kahit pa hindi niya aminin ay nanginig ang kalamnan niya sa pangyayaring iyon. Two hours passed since the incident at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nangyari.

He was shook, mainly because he was attacked unprepared and defenseless. Well, assailants would always attack you unprepared, right? Pero sa pagkakataong ito, it was extremely unexpected. Kagagaling niya lang sa isang ambush, tapos susundan na naman siya ng panibagong manhunt? Talagang may balak ang mga 'yon na burahin siya ha.

"Sir, you have a call."

Mula sa pagpikit ng mga mata'y labag sa loob siyang napabangon at napatingin sa butler niyang lalaki na inaabot sa kanya ang telepono niya.

"No, decline that." tanggi niya at winagayway ang kamay niya.

"Order me 6 vending machines, I need that when I come to the island. Tell Ales about that."

Malugod itong tumango.

"Do you want wine? Champagne? Sir? Something else?" tanong nito.

Napabuntong hininga ito, while pinching the bridge of his nose in distress.

"Or perhaps a full rest?"

"Just bring my luggage here, I need to take my medicine. And a hot compress."

Malugod itong tumango at umalis sa paningin niya.

--

Morning came and Alessandro has never been this nervous and anxious his entire life.

He is either about to go nuts, or get sick.

As soon as he finishes his breakfast with Callie, ay nagmadali na itong pumunta sa eskwelahan-- even if it's 6:30 in the morning yet. Sa kamamadali nito'y sinubuan niya na rin si Callie na ang bagal kumain at ngumuya ng agahan nito. Parang tuliro rin ito at half-asleep pa sa aga nilang dalawang gumising.

"Come on, hurry, sumakay ka na sa sasakyaaan." anito habang nagsusuot ng medyas sa paa. Callie groaned in disapproval at ginulo ang buhok.

"Mauna ka na nga kasiii." mahina nitong maktol, gamit ang di maipinta nitong mukha.

"Ang aga-aga pa eh." ungol nito.

"Hindi, isasama kita. Dalian mo diyan." riin nitong utos at saka tumayo.

Callie turned her back at saka iniluwa ang foam sa bibig mula sa toothpaste. "Inaantok pa ako." angal nito sa maliit nitong boses.

"Matulog ka nalang sa classroom mo o kundi tumambay ka muna sa sasakyan." nakapameywang na sabi ni Ales habang nagmumumog si Callie. Nang matapos ito'y hinila ng lalaki si Callie habang bitbit ang packbag nito at saka isinara ang pinto ng bahay.

Naalala ni Callie na naiwan sa school ang itim nitong Porsche, kaya naman nang makalabas sila ng gate ay napatanong siya.

"Teka, diba naiwan sa school ang kotse mo?" kunot-noo nitong tanong, ngunit imbis na sagutin siya ng lalaki ay inabot lang nito ang bag niya. Taka niya itong kinuha.

Steel Skin: Pitch BlackWhere stories live. Discover now