44:00 Ripping Hearts And Someone's Skull Open

1K 89 34
                                    

RIPPING HEARTS AND SOMEONE'S SKULL OPEN

Naninikip ang dibdib na naglakad siya palabas ng eskwelahang iyon. Hindi man makatayo ng maaayos at paika-ikang naglakad, mas nangibabaw sa kanya ang pagsikip ng kanyang dibdib at pakiramdam ng pagguho ng kanyang mundo, kaya tahimik niyang ipinawi sa mga mata ang agos ng luha na ayaw mawala-wala.

Sugatan ang mga kamay at wasak ang puso, mabilis siyang nagtungo sa kanyang sasakyan at pumasok doon. Napahawak siya sa kanyang puso dahil sa literal na pagsakit at pagsikip nito, pagkatapos ay histerikal at nanginginig ang mga kamay na kinapa-kapa sa dashboard ang bote niya ng gamot. Kalaunan ay nahanap niya ito, kaya agad niya itong binuksan, kinuha ang tatlong tableta at diretso itong sinubo pagkatapos ay nilunok. Sunod niyang ginawa ay ang hanapin ang selpon niya, at nang makuha niya ito na nahulog sa sahig ay nanginginig niyang i-d-inial ang numero ni Emma Vivaldi.

Of course, with Emma, pagdating kay Valdemar magkukumaho ito at aabot lamang ng ilang ring bago ito sumagot, kaya naman sa pangatlong pag-ring sa kabilang linya'y sumagot ito.

"Val? Bakit ngayon ka lang tumawag???" bungad agad nito ng tanong, ngunit hindi ito pinansin ni Valdemar, dahil may kailangan siyang malaman.

"The day before my discharge diba madaling araw kang pumunta sa ospital no'n?" he instantly interrupted and asked.

Emma on the other line paused in wonder, about the kind of query Valdemar asks her just now. Nagtaka ang babae at nabatid ito ng lalaki dahil sa biglang pagtahimik nito. Sinalampak ng duguan niyang kamay ang steering wheel na nasa hawak niya. "Answer me Emma!"

"W- wait, hindi ko maintindihan-- bakit mo tinatanong yan?--"

"Diba 12 am ka dumating no'n?" nagpipigil niyang habol kay Emma, na halatang nagulat sa biglaang asta niya. Subalit kung ano man ang pag-buffer ng utak nito'y wala siyang panaho'ng i-entertain.

"Di'ba?" the question was more like convincing himself that. Gusto niyang paniwalaan iyon dahil ayaw niyang paniwalaan ang nangyayari ngayon. His eyes are bulging while his blood-stained hand is holding the phone.

That incredible pain led him to torture when silence ate them for a couple of seconds, bago napagdesisyunan ni Emma na sagutin ang lalaki. Napakapapit siya sa steering wheel ng mahigpit, hanggang sa pumuti ang kanyang liyabe.

"N- no, four am ako dumating."

And as if those words were bomb, it blew his mind and ripped his heart apart.

His breathing stopped.

Nabitawan ng nanginginig niyang mga kamay ang kanyang telepono papunta sa sahig habang mahigpit ang isang kamay niyang nakakapit sa steering wheel ng kanyang sasakyan. A painful sob came out his mouth, kaya tinakpan ng nanginginig niyang kamay ang kanyang bibig nang mulat ang mga mata, at saka sinandal ang sarili sa headrest ng upuan. Kasabay ng pagkawala ng hikbi ay ang pagtulo ng iilang luha sa gilid ng kanyang mata, ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib, sa sobrang sakit na nararamdaman.

Umindayog ang kanyang ulo sa iba't-ibang direksyon kasabay ang papilipit na hikbing iyon at pagtakip ng bibig dahil sa paninikip ng dibdib, dahil sa hindi mailarawan at hindi mapagsidlang sakit na nararamdaman. The veins in his neck popped out along with his silent sob. His cry sounded so awful, so awful that it sounded identical to a laugh. Kumapit siyang muli sa steering wheel at saka isinalampak ng malakas ang kamay doon, dahilan para tumunog ang busina. He sobbed.

Hindi niya mailarawan ang nararamdaman ngayon, o kahit na maisulat sa papel kung gaano kasakit para sa kanya na pati ang katinuan niya'y animo'y mawawala sa kanya. He doesn't know how to describe the pain to his therapist in his near visitation, at hindi niya alam kung paano niya sisimulang ilarawan. This is more than just a broken heart. This is more like burning a part of his soul while he is awake, and a quart of his sanity being torn away from himself, raw and tender. It was tormenting and surely horrible, who could have guessed what it was like.

Steel Skin: Pitch BlackWhere stories live. Discover now