10:00 Latte And His Sip Of Plea

1.1K 75 30
                                    

LATTE AND HIS SIP OF PLEA

"Love, why do you seem spaced-out? May problema ba tayo?" taka at halatang nababahalang tanong ni Troy na kasalukuyang nasa driver's seat at nagmamaneho ng sasakyan nila. Si Rica naman na nasa passenger seat ay gulat na napatingin sa kanya na para bang kakagising lamang sa isang panaginip.

"O- ah? Ha? Okay lang, love, okay lang ako." binigyan ni Rica si Troy ng isang ngiti para siguraduhin si Troy na ayos lang siya. Ngunit alam niyang hindi niya nakumbinsi si Troy dito.

Imbis na intindihin ito'y balisa siyang tumitig uli sa bintana at sa labas.

"Nakausap mo na ba yung singer? Baka hindi kaya ka ganyan. Gusto mo kumuha nalang tayo ng iba?" malambing na saad ni Troy na palipat-lipat ang tingin kay Rica at sa daan sa labas.

Muling tumingin si Rica sa kanya.

"Hmm? Hindi, hindi, nagkausap kami't gusto ko siya. Siya na gawin nating singer." ani Rica at binigyan na naman si Troy ng isang pilit na ngiti.

"But why do you seem so occupied? Parang may problema ka ata eh." Troy asked, while pursing his lips.

Rica can't help but stare at Troy, while her mind is left at that church, and Jourdan Romano. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa nangyayari at sa nasaksihan ngayon lamang. Hindi niya alam kung anong dapat isipin, kung paniwalaan ba ang nangyari kanina o baka multo lang ni Romano ang kausap niya.

"Hindi love, huwag kang magalala sakin okay lang ako. Wala, walang problema." at saka ginawaran ni Rica si Troy ng isang matamis na ngiti. Troy can't help but narrow his eyes in suspicion.

--

Nakabalik na rin si Romano sa klase matapos ang araw na iyon. At kasalukuyan siyang nasa klasrum at nakatayo habang nakaekis ang mga braso, nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.

Na kay Rica pa rin ang isip niya hanggang ngayon eh, hindi niya matantanan iyon. Hindi ibig sabihin na kung nakipagkasundo siya kay Alfonso, tutupad na ito sa pinangako nito.

It was an obvious fact that Alfonso is still on the verge of absorbing the truth about Romano, alam niyang kahit hanggang ngayon gulat ito at wala sa sarili, at hindi niya alam Rica might slip her tongue and accidentally blurt out the truth to Troy, or somebody else, lalo na't malapit na ang kasal nilang dalawa at mapapaligiran sila ng mga kakilala nila pareho, nila ni Romano.

Jourdan slightly shook her head in irritation and hissed in her mind.

That was an accidental bullshit, ngayon minumura niya na ang sarili niya kung bakit hindi niya agad napansin ang presensya ni Rica nung paparating ito. Honestly, that time, she cannot notice any vibration near her because her hearing sense is focused on the piano sounds. At putangina, natiming pa doon sa lugar na iyon.

Muli siyang kumilos sa kinatatayuan at nabalik sa katinuan nang muli niyang mapansin ang ingay ng silid dulot ng pag-uusap ng mga estudyanteng nagbibiruan pa, habang nagkokopyahan sa ibinigay niyang essay.

Essay? Nagkokopyahan? Is that a joke?

Sisitahin na sana niya ang lahat nang mahagip ng mga mata niya ang isang babae sa pinakaunang row, nakaupo at nakasubsob ang mukha sa mesa nito. Sandali niya itong tiningnan at pagkatapos ang mga estudyanteng maiingay sa upuan.

"Care to tell me what's the noise all about?" crossed-arms at kaswal niyang sabi ngunit sa pinakamalamig na ekspresyon sa mukha sa mga estudyante.

Biglang natahimik lahat, at si Callie naman na nakasubsob ang mukha sa mesa'y napabangon na parang isang lantang gulay, na mukhang hindi natalaban ng scaring powers ni Sister Nathalia.

Steel Skin: Pitch BlackWhere stories live. Discover now