05:00 Sol Et Luna

1.2K 82 20
                                    

SOL ET LUNA

It was 7 in the morning. Her alarm clock was loud enough to wake that hot temper she has been carrying all her life.

Inis niyang ikinulob ang maingay na alarm clock. Jourdan Romano slowly opened her almond shaped eyes, kung saan bumungad sa mga mata niya ang sinag ng araw. Her bright blue ocean eyes shined bright against the light. Agad din naman niyang isinara ang talukap nang mga mata dahil sa pagkasilaw mula sa araw, tantong nakaligtaan niya palang isara ang kurtina kagabi.

The first thing she thought in the morning is also having the realization that she reeked of alcohol again. Her breath smelled badly with rhum, at kung hindi pa siya maliligo ngayo'y baka bungangaan na naman siya ni Sister Marie tungkol sa amoy niyang amoy alak at sa pagbabawal sa kanya nito ng alak.

She swung her head around to roam her gaze around her room, only seeing an empty bottle of rhum at her desk. She sighed and slightly closed her eyes. God, kailangan niya na namang tumakas ng alas tres ng madaling araw para pumuslit ng alak.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at saka isinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya, saka wala sa katinuang binuksan ang radyo niyang agad namang tumugtog. It automatically tuned in the station where she listens the most-- ang katangi-tanging istasyon ng radyo na parati niyang pinapatugtog sa loob ng limang taon, na isang kanta lang din naman ang pinapatugtog, ng paulit-ulit, at paulit-ulit.

Paulit-ulit itong pinapatugtog sa radyo niya, sa loob ng limang taon hanggang ngayon. No one seemed to get tired of it either. Hindi siya napagod makinig sa kantang ito.

Ilang segundo siyang tulala habang nakikinig sa kantang tugtog ng radyo, at nang mapukaw ang diwa niya'y walang gana niyang kinuha ang tuwalya sa racks at saka isinabit sa mga balikat. Inihilamos niya ang kanyang mukha gamit ang mga kamay saka ipinihit ang knob ng pinto. Right before she managed to opened the door, is an awful scream filling the entire corridor, and the whole convent.

Sa lakas ng sigaw ng babae ay isa-isang nagsilabasan ang mga madre sa kani-kanilang mga kwarto na halatang gulat, at nagigimbal sa nakakatakot na sigaw ng isang madre.

Napahinto rin si Romano nang marinig ang nakakagimabal na sigaw na iyon ng isang madre at hindi kagaya ng iba, hindi agad siya lumabas ng kwarto. Pinakiramdaman niya muna ang paligid, bakit may sumisigaw ng ganito naman kaaga? At hindi ugali ng mga tao na naninilbihan sa loob ng kumbento ang sumigaw o gumawa ng kung anong ingay na ikakasira ng katahimikan ng kumbento, kaya hindi magawang magtanong ng marami kung bakit mag sumisigaw ngayon. Something horrible must have happened.

Napagpasyahan na rin ni Romano na lumabas ng kwarto niya upang alamin kung anong nangyayari sa labas, at kagaya ng iba pang kakalabas lang din sa kwarto ay nagsilapitan at sinundan nila kung saan nanggagaling ang nakakatakot na sigaw ng isang babae.

Napadpad ang ingay sa isang kwarto, hindi malayo sa kwarto ni Romano, at nang makalapit siya doon ay siyang pagsikumpulan ng mga madre sa mismong pintuan ng pinto.

Marami sa mga reaksyon nitong natatakot, nagigimbal, at parang hindi kapani-paniwala ang nakita, na may pag-iling pa.

Palakad ang naging paglapit ni Romano at napagdesisyunan niyang huwag na masyadong lumapit, makikita naman niya kasi medyo matangkad siya at makakasilip siya.

Habang naglalakad ay naisip niya base sa mga reaksyon ng mga madreng nakakita sa sitwasyon, they must have witnessed something horrible and something unexpected. Ngayon lang nagulo ang kumbento sa loob ng maraming taon na pananatili niya dito at tanto niya ngang hindi sanay sa mga karumal-dumal na pangyayari ang mga madre dito.

Kung hindi ito eskandalo o away, base sa mga reaksyon ng mga tao, ay naisip ni Jourdan. . . baka may namatay.

And she thought, it must not be a usual death. It's sudden, and. . . horrible.

Steel Skin: Pitch BlackOnde histórias criam vida. Descubra agora