09:00 Resurrection

1.1K 88 17
                                    

RESURRECTION

"Gusto mo?" tanong ni Jourdan at saka iniabot kay Rica ang tumbler niyang parati niyang dala-dala. Hindi naman makatingin kay Jourdan si Alfonso na tinanggap ito't binuksan. Kasasalukuyang nakaupo si Rica dahil pinaupo ni Romano at inakay si Rica papunta sa upuan na inupuan ni Romano kanina habang siyang tumutugtog sa piano. Halos hindi ito mahawakan ni Romano dahil baka mas lalo itong manghina at magulat, kaya kailangan niya muna ng distansya.

Nakatitig lang si Romano kay Rica habang binubuksan nito ang tumbler na bakas pa ang takot sa kilos at katawan nito. For a moment, dumagundong ng lubos ang dibdib ni Romano at nawalan ng options, kung anong gagawin. Masyado siyang nagulat sa pangyayari.

Nang mabuksan ni Rica ang tumbler niya'y walang ano-ano'y itinapat nito ang labi nito sa lid at wala sa sariling uminom ng diretso. Hindi pa man nakakadalawang lagok si Rica nang mapabuga ito ng iniinom. She was even choked and for a second could not breathe, at pinagmasdan lamang siya ni Romano habang hinahampas niya ang sariling dibdib. Plano niya talagang hindi tingnan si Romano sa mukha pero dahil wala siya sarili at nagulat siya sa nainom niya'y tiningnan niya si Romano.

That cold, familiar and intimidating aura and eyes met hers.

"Ano ba 'to?! Bakit alak?!" gulat niyang sabi at inabot ulit kay Romano ang tumbler. Jourdan took the tumbler as she formed that sarcastic face and her lips turned into a thin line.

"Bakit, sinabi ko bang tubig to? Tinanong lang kita kung gusto mo diba?" muntik nang umirap si Jourdan ngunit mabuti na lamang ay napaiwas lamang siya ng tingin, habang nanuya at umiling-iling na parang kinapos ata sa brain cells tong isang to.

Rica looked at this woman in disbelief. Grabe, grabe, grabe.

"Eh bakit ka nag alok kung hindi tubig? At bakit ka nagdala ng alak imbis na tubig?"

Romano looked at her again and blinked boringly, "I'm not fond of water."  Rica continued to look at her in utter disbelief.

Napahinga ng malalim si Rica at napapikit ng mariin. Why is she even talking to her.

Sumeryoso ulit ang paligid at muling bumigat ang ambiance.

"Patay... p- patay ka na, diba?" tanong ni Rica nang mabalik siya sa wisyo. Minasdan ni Rica kung paano ngumisi si Romano at sinundan niya ito ng tingin habang unti-unti itong bumaba at iniluhod ang isang tuhod upang pantayan siya.

"I ressurected?" she whispered having her face near Rica's face, while having that smirk on her lips, staring intently at Rica.

Alfonso cannot help but get goosebumps, as Romano's breath and whisper sent shivers down her spine.

Muling inilayo ni Romano ang mukha niya at pinawi ang ngisi sa labi.

"Matagal talagang namamatay ang masasamang damo, Miss VP." seryosong sabi niya at muling tumayo. Rica Alfonso instantly got nostalgia, in her senior high school years being with Romano, the moment Jourdan called her that nickname. Memories will literally bring back you the feelings you've once felt from those moments. The barbecue festival, Lucas Severino, Class three, Perez, Dexter, Martizano, Corteza, Abanzado, Miss Helen. Vanessa Linsky. Class one. Valdemar Florentin. Nawala siya sa wisyo ng panandalian, ngunit agad ding bumalik nang muling kumilos si Romano.

This woman up front her... she's dead, right?

Isinuksok ni Jourdan kamay sa bulsa ng habit niya saka kinuha ang parati niyang dala-dala; a pair of dice.

Kinuha niya ito at saka inilagay ang kamay sa likod niyang hawak-hawak ang dalawang dice saka nilaro-laro. Kapag ganitong sitwasyon, pinapaubaya nalang niya sa kung ano ang kapalaran. She lets dices decide about things.

Steel Skin: Pitch BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon