29:00 Russian F*cking Roulette

1.1K 78 34
                                    

RUSSIAN F*CKING ROULETTE

Bumalik sa kinauupuan si Romano nang matapos siyang mag-distribute ng papel. Isinandal niya ang mga kamay niya sa mesa at tiningnan silang lahat. She swung her head around to look for her students' reaction, at hindi pa man dumaan ang ilang segundo nang may isang lalaking kamot ang noong napataas ng kamay.
"Sister! Bakit zero po?" angal nito, at bakas din sa mukha nito ang pikon.

Wah, unbelievable. Jourdan stood straight and crossed her arms while looking at the guy from the last rows. Ikinunot niya ang noo niya.

"Sa susunod, sulatan mo ko ng kanta na hindi ko alam, ha?" kalma ngunit sarkastiko niyang sagot, dahilan para mapapitlag ito at muntik nang matawa ang iba.

"Pfft--" Some of them covered their mouth with their palms para lang hindi makawala ang ngiti sa labi.

"Eh sakin Sister???" singit ng isang babaeng naka-messy bun at may manipis na bangs. Napapikit ng mariin si Romano at napahawak sa bridge ng ilong.

"Yes, it's not a song because it's William Shakespeare's Hamlet," she bit her lip. "And you have the audacity to ask me?" bakas sa tono nito ang cruelty at tulis, kaya naman napayuko sa hiya ang babae.

Sa gitna ng katahimikan ng lahat ay biglang napalingon si Romano sa pinakaunang rows at walang iba kundi kay Callie, saka binigyan ito ng matalas na tingin.

Naramdaman ni Romano ang pag-vibrate ng phone nito kaya napalingon siya dito. "Can you turn off your phone Cesaro, please?"

Nagpapaso namang kinuha ni Callie ang cellphone niya at pinatay ang telepono niya, kung saan taka siyang pinanood ng lahat. Narinig ni Sister Nathalia yon?

"Sorry, I'm sensitive to vibrations." sandali niyang sabi sa lahat bago na naman bumalik sa punto.

"Pinapayagan ko kayong mandaya at lokohin ako." balik niya sa punto. Nag-angat ang lahat ng tingin papunta sa kanya. "Only that you should not let me catch you. That's a deal." tango-tangong sabi ni Romano dahilan para mapa-hiss at mapaangal ang lahat.

"I'm not gonna say anything. And I will let you do with what you want. Ang akin lang, hayaan niyo rin akong gawin ko kung anong gusto ko sa grado niyo."

"Bakit di mo kami pangaralan?" angal ni Lefabio. Napatingin sa kanya ang lahat.

"Bakit, makikinig ka ba?" kaswal na sagot ni Romano sa kanya. Napaiwas si Lefabio ng tingin sa talas ng naging wika niya, kaya naman bumuntong hininga si Romano.

"Anyway, I will be off for a week or so, maghahanda ako ng konting seatworks sa inyo. Substitute teacher will be here, so cooperate." aniya sa lahat.

"Yes, Sister!" sagot ng lahat sa kanya.

"y'all dismissed." nagsitayuan ang lahat ng makalabas na siya ng silid.

Mag-aalas singko na rin ng hapon kaya naman hindi pa dumaan ang ilang minuto ay naubos na rin ang mga estudyante sa klasrum. Iilan na lamang ang natitira sa klasrum, at kasama doon si Callie at Sandy na nag-uusap.

"Sabay na tayo umuwi." tapik ni Sandy kay Callie sa balikat. Nang masukbit ni Callie ang bag niya sa balikat ay tiningnan niya si Sandy.

"Mauna ka na barbs, may pupuntahan pa ako eh." napakunot naman ng noo si Sandy nang sabihin niya iyon.

"Hmm? Saan?" usisa nito sa kanya.

"Pupunta ako sa bayan, may bibilhin lang akong equipment para sa bahay."

Napatango naman si Sandy sa kanya. "Sigurado ka kaya mo na mag-isa? Pwede naman kitang samahan eh." umiling si Callie nang nakangiti sa sinabi niya.

Steel Skin: Pitch BlackWhere stories live. Discover now