Hindi ko hahayaan na patayin nila ang lolo ko sa anumang oras nilang gusto. Dahil dadaan muna kayo sa mga kamay ko. Ako muna ang makakalaban ninyo bago n'yo magalaw ang lolo ko.

"Vien-baby, kanina ka pa alaluts dyan," ani ni Nayih.

Nandito na kami sa campus at nakaupo din kami sa damuhan habang may hawak na libro. Sa totoo lang? Ako lang ang may hawak na libro habang si Nayih ay may hawak na pagkain.

"May iniisip lang ako," sagot ko sabay buga ng hangin.

"Who's your iniisip?"

Tinignan ko si Nayih. "Hindi naman importante ang iniisip ko." Pagsisinungaling ko.

"Is that so? By the way nakita ko si Esther may dalang flower and balloons," anas ni Nayih para manlaki ang mata ko. "Uy. Ang effort ng bebe mo sagutin mo na. Kahit team YuVien ako support naman ako sa team EsVien."

"Anong team EsVien? Manahimik ka nga," suway ko sabay iwas ng tingin.

"Sagutin mo na kasi. Wala namang mawawala kung sasagutin mo yung tao. Almost one year ka nang nililigawan ng tao. Usong sagutin. Duh!" maarte niyang sagot.

Bumuga ako ng hangin bago ko ma-realize na tama ang sinabi ni Nayih. Isang taon na nanliligaw si Esther sa akin pero hindi ko pa din sinasagot.

"Hala sige. Kapag nagsawa yang manligaw super O to the M to the G talaga!"

Gulat na nilingon ko si Nayih dahil sa kanyang sinabi. "Hindi naman ata magsasawa iyon."

"Gaga!" mahinang hampas ni Nayih sa braso ko. "Lahat ng tao may pagsasawang nararamdaman sa katawan. Kaya wag ka nang magtaka. Sa tagal na nanliligaw ni Esther sayo may posibilidad na gusto niyang tumigil dahil ang tagal mo siyang sagutin. My nerves."

May punto naman ang sinasabi ni Nayih. Ayoko naman gumawa ng move na sagutin ko si Esther kung hindi pa naman niya ako tinatanong kung pwede na ba niya ako maging girlfriend.

"Wag na muna natin yan pag-usapan," sagot ko sabay tayo. "Tara sa library may kukunin akong libro."

"Okay," nakangiting sagot ni Nayih.

Nasa pasilyo na kami na Nayih upang tumungo sa library. Na walang ano-ano ay may naglagay sa ulo ko na hindi ko malaman kung ano. Hindi ko makita ang nasa paligid ko.

"Ano bang ginagawa ninyo?! Nayih asan ka?!" pasinghal na tanong ko at rinig ko na ang bulungan ng mga estudyante sa paligid. "Nayih?!"

"Wag kang mag-alala veng."

"Sino to?!" sigaw ko.

Inalalalayan niya akong maglakad upang hindi madapa o mapatid.

"Ako lang ito si Natoy," sagot pa niya.

"Sinong Natoy? Anong Natoy?!" Inis na sigaw ko.

"Si Natoy na mahal na mahal ka," sagot niya sabay tawa nang malakas upang magtawanan ang mga estudyante sa paligid.

"Pinaglololoko mo ba ako?!"

"Joke lang naman veng."

Si Kaizen?!

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko pa.

Ramdam ko na hagdan na ang dadaanan namin kaya maingat kong hinakbang ang mga paa ko.

"Sa special room. May gagawin kami sayong milagro."

"Anak ng? Ayus-ayusin mo biro mo, Kaizen. Mapapasama ka sakin!"

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now