"Ngayon sabihin mo ang tunay"matigas na sabi ni Lando habang nakatingin mismo sa mga mata ni Cassi.

"Hindi ba sinabi sayo ng mga magulang mo ang tunay na trabaho nila?"pag sisimula ni Cassi.

"Anong tunay ang sinasabi mo? Nag tratrabaho sila bilang mga pulis. Kaya sila namatay dahil hinuli nila ang mga Gangster noon"giit nito.

Natawa naman ng mahina si Cassi.

"Anong tinatawa tawa mo diyan!"tanong nito

"Mukhang hindi mo talaga alam ang tunay na trabaho nila"sagot nito.

"Anong sinasabi mo! Sabihin mo!"sigaw nito

Kinuha naman ni Cassi ang kaniyang telepono at may ipinakita siyang litrato kay Lando.

"Siya ang mga magulang mo hindi ba?"tanong nito.

"O-oo. Bakit kayo may litratong mag kasama?"nagugulohang tanong nito

Tinago muna ni Cassi ang kaniyang telepono bago mag paliwanag..

"Ako at ang mga  magulang mo ay matalik na mag kakaibigan dahil isa kaming grupo noon bilang isang pinaka malakas na grupo sa UL"panimula nito.

"Anong UL?"tanong ni Lando.

"UL o UnderLaw World. Ang pangalan ng grupo namin noon ay Black Monster. Marami kami noon, 5 kaming membro sa grupong Black Monster pero nabawasan noon dahil namatay ang mga iba kaya naging tatlo nalang kami. Kaya mag mula noon pinangako namin sa isa't isa na hinding hindi naming hahayaang may mamatay o mawaldas pa sa aming tatlo. Pero isang araw nag karoon ng kasiyahan sa UL noon dahil sa pag kapanalo namin. Ang hindi namin alam ay mag nag lagay ng lason sa mga inomin naming tatlo. Ang lason na iyon ay kaya kang patayin ng limang oras. At sa kasamaang palad ay ang mga magulang mo lamang ang naapektohan ng sobra dahil marami silang nainom na alak samantalang ako ay kaonti lamang ngunit sobra rin ang epekto saakin"

"Nag taka ako noong una dahil bakit nila kami papainomin ng alak na may lason na kaya kang patayin ng limang oras kong pwede naman nilang ilagay na lason na kaya kang patayin ng 3 minuto. Ngunit nalaman ko na lamang na kaya pala nila ginawa iyon para pahirapan pa kami bago kami mamatay. Di nala kami sa isang maliblib na lugar na walang sino man ang mag tatangkang pumunta sa lugar na iyon. At doon.. doon nila kami pinahirapan,walang awa nila kaming pinag bubugbog,pinag sasasakal,at pinag hahampas. Habang tumatagal nararamdaman na namin na nahihirapan na kaming huminga dahil sa epekto ng lason na binigay nila saamin. Nang makita ng mga nag pahirap saamin na malapit na kaming kapusin ng hininga ay sinaksak muna nila kami bago tuluyang lisanin ang lugar"

"Himala kong tawagin ko ang nangyare saakin dahil nakayanan ko pang tumayo para puntahan sina Dreger at Dara upang tignan kong buhay pa sila. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay na sila bago pa umepekto ng tuluyan ang lason. Tinignan ko ang buong paligid kong meron mang tao ang naroon at may nakita akong nag titinda ng balot na nag lalakad sa lugar na iyon. Tinawag ko siya at agad agad siyang lumapit saakin. Gulat na gulat siya. Sinabi kong pinahirapan kami kaya ganoon ang itsura namin. Dahil hindi alam ng nag titinda ng balot ang gagawin ay pinatayo niya ako at dinala sa bahay niya. Habang ang mga magulang mo naroon naka handusay sa sahig ng walang ng buhay. Dahil ang tunay ay hindi sila mga pulis kundi mga Gangster na katulad namin. Ngayon alam mo na ang lahat pero ang tanong naniniwala kaba?"pagtatapos ng paliwanag nito.

Habang si Lando tulala parin at hindi alam ang gagawin.

Sa kabilang banda naman ay pinulong ni Mark sina Cedric at ang mga iba pa ng palihim upang hindi mahalata ni Ten na may binabalak sila.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now